Thursday , September 24 2020
Breaking News
You are here: Home / Showbiz / Pagliligawan noon sa That’s, ‘di pinapayagan ni Kuya Germs
Pagliligawan noon sa That’s, ‘di pinapayagan ni Kuya Germs

Pagliligawan noon sa That’s, ‘di pinapayagan ni Kuya Germs

NOON ngang panahon ng Thats’ Entertainment, natatandaan namin talagang dini-discourage ni Kuya Germs ang pagliligawan ng kanyang mga talent, dahil sinasabi nga niya, sa rami ng mga iyan tiyak na iyon ay pagmumulan ng “tsismis at controversies.” Pero hindi naman niya mapigilan dahil ang mga fan ang gumagawa ng love teams, at hindi naman niya puwedeng hindi suportahan iyon.

Pero sinasabi nga niya halos araw-araw tuwing matatapos ang show, kasi kinakausap niya ang mga iyan sinasabihan niya na, ”masyadong bata pa kayo. Mahaba pa ang panahon ninyo. Huwag na muna iyang mga love love na iyan.” Pero iyon ay paalala lamang. Nasa kanila talaga kung ano mangyayari.

Mayroon talagang nagkakaligawan. May mga kaso naman na nag-iilusyon lang.

HATAWAN
ni Ed de Leon

About Ed de Leon

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *

*

Scroll To Top