Friday , April 26 2024

Pauline, gustong makatrabaho sina LT, Gabby, Sylvia, at Boyet

EXCITED na ang Kapuso actress na si Pauline Mendoza sa plano ng CEO-President ng Beautederm na si Rhea Anicoche-Tan na gumawa ng isang pelikula kasama ang lahat ng kapea Ambassadors ng Beautederm.

Ayon kay Pauleen nang mag-guest kamakailan sa programang Bidang-Bida sa Dobol B ng DZBB, “Excited na po ako riyan. Kasi magkakaroon ako ng chance na makatrabaho ang ilan sa mahuhusay nating actors sa bansa like Ms Lorna Tolentino, Ms Sylvia Sanchez, Ms Marian Rivera, Sir Gabby Concepcion, at Sir Christopher Deleon.

Dagdag pa ni Pauleen, “Noong first time ko nga silang nakita in person na-starstruck talaga ako, kasi kung dati napapanood ko lang sila, ngayon kasama ko na sila sa mga event ng Beautederm.

Sana nga matuloy ‘yung plan ni mommy Rei na pagsama-samahin kami sa iisang pelikula.

“Sa Beautederm kasi para kaming isang malaking pamilya, kaya ang saya-saya ‘pag magkakasama kaming lahat.”

Excited din si Pauleen na makatrabaho ang ilan pang kasama niya sa Beautederm tulad nina Carlo Aquino, Darren Espanto, Ria and Arjo Atayde, Ejay Falcon, Jane Oineza, Enchong Dee, Hashtag Ryle Santiago, at mga kapwa niya Kapuso stars na sina Sanya Lopez, Ken Chan, at Rita Daniela.

MATABIL
ni John Fontanilla

About John Fontanilla

Check Also

Ice Ganda Vic Sotto Ice Seguerra

Ice sobra-sobra ang pagmamahal kay Bossing Vic kaya nagbihis babae 

I-FLEXni Jun Nardo WALANG guests si Ice Seguerra sa concert niyang Videoke Hits na gagawin sa Music Museum sa …

Bunny maganda na ang buhay, anak na may kapansanan nakakuha ng trabaho

HATAWANni Ed de Leon INAMIN ng dating aktres na si Bunny Paras na hanggang ngayon ay hindi …

Richard Gomez

Goma pwedeng maging presidente ng Pilipinas

HATAWANni Ed de Leon SABI nga huli man at magaling naihahabol din. Hindi namin halos …

Maine Mendoza new hair cut Short hair

Maine nadesmaya sa maiksing buhok

MA at PAni Rommel Placente MAIKSI na ang buhok ni Maine Mendoza. Pero nagdesisyon siya na …

Sofia Pablo 18th bday Allen Ansay

Allen big supporter ni Sofia

PUSH NA’YANni Ambet Nabus BONGGA ang 18th birthday o debut ni Sofia Pablo. As a Sparkle …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *