Friday , April 26 2024
Movies Cinema

Audience, malaking bahagi sa mga live show

NAGSILBING eye opener sa mga taga-showbiz ang pagdating ng  Covid-19 na animo’y isang sumpa para iparamdam ang mga pagkakamali at pagkukulang.

Sa showbiz, ipinaramdam nito ang kahalagahan ng mga tagahanga na nagbibigay biyaya sa mga taga-pelikula. Ipinakita nito ang epekto kapag nawala na ang mga tagahangang sumusuporta sa showbiz dahil sa paniniwalang magkakahawa-hawa.

Makamandag ang Covid-19 kaya bawal muna ang tao sa studio para manood. Mahirap ang mag-show ng walang taong nanonood sa studio.

Dati kung magmalaki ang mga artista kapag may gustong magpa-selfie at magpa-sign ng autograph, ini-ignore nila. Bago pa man sila tumigil sa pagpapalabas ng mga live show, naging matamlay ang mga panooring Eat BulagaIt’s Showtime, at Wowowin.

Wala kasing tumitili at walang pumapalakpak.

Kailan kaya mapupuksa at makikitil ang Covid-19 na animo’y biological weapon galing China na nakapagpapa-panic sa tao habang tumatagal.

Prusisyon ng mga poon sa Baliuag tuwing Holy Week, posibleng makansela

MALUNGKOT ang ilang mga kababayan sa Baliuag, Bulacan dahil hindi masagot ng Hermano Mayor na si Jorge Allan Tengco kung matutuloy pa ang plano sanang longest procession of saints kapag Holy Week.

Hindi na rin kasi pahihintulutan sa Baliwag ang mass gathering na ipinagbawal na rin sa Metro Manila.

Rati napag-usapan ang mga santo at santa na lang ang ipuprosisyon at wala ng papayagang mag-ilaw. Twenty years na kasing tradisyon ang Holy Week pro­cession sa Baliuag involving 120 caro ng mga poon.

Tradisyon na ang prusisyon sa baliuag at limang taon na si Hermano Jorge na nag-aasikado nito. Kaya umaasa kaming matutuloy pa rin ito.

Mikael, nahawa sa pag-e-emote ni Coney

MASAYA si Mikael Daez dahil nabigyan siya ng heavy drama role sa Love of my Life together with Coney Reyes.

Hindi gawang biro na makaeksena ang isang Coney Reyes na napakaseryoso sa pag-arte.

Noong crying scene nila ni Coney, nakahahawa ito sa pag-emote. Rati  patawa-tawa lang ang papel ni Mikael pero ngayon tipong pang-award na.

Maging sina Carla AvellanaRhian Ramos, at Tom Rodriguez,  ayaw patalbog kapag kaeksena si Coney.

Pananakit kay Jaime Fabregas, ‘di katanggap-tanggap

MAY nagtatanong kung dapat pa bang ipakita sa telebisyon ang isang aging actor tulad ni Jaime Fabregas na binubugbog sa loob ng selda na iniutos ni Lorna Tolentino?

Masakit sa paningin na makakita ng ganoong tanawin.

Ano kaya ang comment ng MTRCB sa bagay na ito? Sobra kasing kalapastangan ang ganoong gawain sa isang matanda.

Tiktok ni LT, patok

PATOK si Lorna Tolentino sa TikTok. Nakawawala ng galit sa mga pinaggagawa niya kay Rowell Santiago sa FPJ’s Ang Probinsyano.

Pati pananamit ni LT ay hindi pinaligtas ng netizen na ‘ika nila’y nakatitipid ang aktres dahil iisa ang gamit na damit na puro pula.

Nora Aunor, ‘di nagpasindak kay Divina Valencia

PUMALAG si Nora Aunor noong taray-tarayan siya ni Divina Valencia, ang dating sex symbol noong dekada ’60, sa seryeng Bilangin ang Bituin sa Langit.

Milyonarya ang papel ni Divina at katulong si Guy. Noong api-apihin ng una si Ate Guy, sumiklab ang galit nito at halos ikamatay ni Divina sa eksena.

***

BIRTHDAY greetings kina Vice Gov. Jolo Revilla, Boji Molina, violinist John Lesaca, Marilou Bendigo, Sarah Balabagan, Rodel Lugo ng PM, Melba Roa, Julia Barretto, KZ Tandingan, at Art Atayde.

SHOWBIG
ni Vir Gonzales

About Vir Gonzales

Check Also

Ice Ganda Vic Sotto Ice Seguerra

Ice sobra-sobra ang pagmamahal kay Bossing Vic kaya nagbihis babae 

I-FLEXni Jun Nardo WALANG guests si Ice Seguerra sa concert niyang Videoke Hits na gagawin sa Music Museum sa …

Bunny maganda na ang buhay, anak na may kapansanan nakakuha ng trabaho

HATAWANni Ed de Leon INAMIN ng dating aktres na si Bunny Paras na hanggang ngayon ay hindi …

Richard Gomez

Goma pwedeng maging presidente ng Pilipinas

HATAWANni Ed de Leon SABI nga huli man at magaling naihahabol din. Hindi namin halos …

Maine Mendoza new hair cut Short hair

Maine nadesmaya sa maiksing buhok

MA at PAni Rommel Placente MAIKSI na ang buhok ni Maine Mendoza. Pero nagdesisyon siya na …

Sofia Pablo 18th bday Allen Ansay

Allen big supporter ni Sofia

PUSH NA’YANni Ambet Nabus BONGGA ang 18th birthday o debut ni Sofia Pablo. As a Sparkle …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *