Thursday , April 25 2024
arrest prison

3 Malaysian, Taiwanese nasagip sa illegal detention ng POGO

NAILIGTAS ang apat na banyagang empleyado ng Philippine Offshore Gaming Operators (POGOs) mula sa ilegal na pagkakakulong ng kanilang employer sa lungsod ng Mabalacat, lalawigan ng Pampanga.

Kinilala ang mga biktimang sina Sarah Lien Mye Yee, 29 anyos; Andy Wong Fu Chun, 26 anyos; Ng Wen Jiin, 25 anyos, pawang Malaysian national; at Wang Chien Hau, 24 anyos, Taiwanese national.

Samantala, arestado ang caretaker na kinilalang si Liu Linzhi, Chinese national, na nagsilbing bantay sa apartment sa Chico St., Clark Hills Subdivision, CFPZ, sa naturang lungsod na pinagkulungan umano sa mga biktima.

Batay sa impormasyon, nirekrut ng mga Chinese national ang mga biktima at bibigyan umano ng malalaking sahod upang magtrabaho sa POGO ngunit ikinukulong at binabantayan na parang preso sa nasa­bing apartment.

Ayon sa Mabalacat PNP, nakatanggap ang kanilang TOC (Tactical Operations Center) ng tawag mula sa Malaysian Embassy na humihingi ng responde upang mapalaya ang kanilang mga kababayang Malaysian na ikinulong ng mga Chinese operator.

Agad kumilos ang mga awtoridad at napalaya ang mga banyagang ikinulong ngunit hindi nila naabutan ang amo ng mga biktima.

(RAUL SUSCANO)

About Raul Suscano

Check Also

fire dead

Nanay naghanap ng kahoy para panggatong
2 PASLIT NA MAG-UTOL NAABO SA SUMABOG NA TANGKE NG LPG

SILANG, CAVITE — Masusing iniimbestigahan ang pagkamatay sa sunog ng magkapatid na paslit base sa …

Ejay Falcon Alan Peter Pia Cayetano ORIENTAL MINDORO

Mga Cayetano, nagpaabot ng tulong  
1,650 BENEPISARYO, 50 TESDA SCHOLARS PARA SA ORIENTAL MINDORO

UMABOT sa 1,650 benepisaryo mula sa iba’t ibang sektor at distrito sa Oriental Mindoro ang …

PCMC MRI and CT scan Pia Cayetano Bong Go

Cayetano nanguna sa pasinaya  
STATE-OF-THE-ART MRI, CT SCAN EQUIPMENT, ATBP FACILITIES SA PCMC

PINANGUNAHAN ni Senadora Pia Cayetano ang pagbubukas ng Philippine Children’s Medical Center (PCMC) para sa …

Navoteño solo parents cash subsidy

Navoteño solo parents tumanggap ng buwanang cash subsidy

SINIMULAN ng pamahalaang lungsod ng Navotas ang pamamahagi ng buwanang cash subsidy para sa mga …

drugs pot session arrest

4 arestado sa pot-session sa Valenzuela

SWAK sa kulungan ang apat katao matapos mahuli sa akto ng mga pulis na sumisinghot …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *