Wednesday , June 3 2020
Breaking News
You are here: Home / Showbiz / Writers ng Magkaagaw nakinig sa isinulat natin sa Hataw
Writers ng Magkaagaw nakinig sa isinulat natin sa Hataw

Writers ng Magkaagaw nakinig sa isinulat natin sa Hataw

At least pinakinggan ng writers ng teleseryeng “Magkaagaw” sa GMA7 ang isinulat natin dito sa Hataw D’yaryo ng Bayan.

Ito ang puna natin at reklamo ng ibang viewers sa butas at laylay ng istorya ng kanilang serye na pinagbibidahan nina Sheryl Cruz, Jeric Gonzales, Klea Pineda, at Sunshine Dizon.

Sa kanilang episodes last week, ay nahuli ni Laura (Dizon) ang kalaguyo ng manugang na si Jio (Gonzales) na si Veron (Cruz) na mortal niyang kaaway. At mukhang maging ang anak ni Laura na si Clarisse (Pineda) ay matitiyempohan na rin ang matagal na pagtataksil ng mister na si Gio at Veron na buong akala’y concern sa kanya.

Ngayong maayos na ang takbo ng kuwento ng “Magkaagaw” siguradong hindi sila bibitawan ng TV viewers, at lalo pa silang aaba­ngan tuwing hapon sa GMA Prime Afternoon.

VONGGANG CHIKA!
ni Peter Ledesma

About Peter Ledesma

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *

*

Scroll To Top