Wednesday , June 3 2020
Breaking News
You are here: Home / Showbiz / Jef Tam, galit na galit sa kaibigang nambubuking ng kanilang magic tricks
Jef Tam, galit na galit sa kaibigang nambubuking ng kanilang magic tricks

Jef Tam, galit na galit sa kaibigang nambubuking ng kanilang magic tricks

NADAANAN ko ang mensaheng ito sa FB page ni Jef Tam. May inaaway!

MAGKAIBIGAN TAYO AT MAGKASAMA TAYO SA INDUSTRIYA NAKIKIUSAP AKO ITIGIL MO NA ANG PAG REVEAL NG MGA MAGIC TRICKS. ALAM MO NAMAN HANGGANG NGAYON KAYA KA NA “PERSONA NON GRATA” SA LAHAT NG MAGIC ORGANIZATION SA PILIPINAS KASE NAG REVEAL KA NA NOON, TAPOS NGAYON GINAGAWA MO NA NAMAN. SANA MAGKAROON KA NG RESPETO SA CRAFT NA PINAGHIRAPAN NAMIN. THERE IS A PROPER WAY OF TEACHING A MAGIC TRICK. THERE IS A THIN LINE BETWEEN REVEALING AND EDUCATING. #respetonaman”

Obviously, kagaya niyang may alam sa pagma-mahika ang kinakatsangan ni Jef na kamakailan ay nagkaroon ng show kasama ang ilang magicians from other countries dito.

May iba pa akong nakatsikang nasa industriys nila. And obviously again, sa iisang tao sila nagkakaroon ng toxic na pakiramdam.

Usisa pa rin ako.

Ang sagot:

“Bilang magician number #1 rule bawal mag expose ng magic in public

“2011 nag expose ang tinutukoy ko sa isang show sa tv5 kaya ito yung naging dahilan kaya sya na persona non grata salahat ng magic organization sa pilipinas.

“Dna sya kinikilalang magician ng kapwa magician. 2018 sinubukan niya humingi ng sorry thru video sa youtube pero dna sya pinakinggan ng marami.

“Ngayon 2020 naulit na naman sa youtube channel niya nag turo na naman sya magic which alam naman niyang malaking bawal inulit na naman niya.

“Halos Lahat ng magic club last night nagtipon tipon ulit para sa isang meeting against him. Waiting lang ako sa magiging resulta pero ive heard padadalhan sya ng sulat just to let him know na lahat ng club against sa kanya.

“From there kng itutuloy pa rin niya, yung ginagawa niya wala na kaming magagawa basta lng ang aim namin maiparating namin sa kanya na against kami. Kse d na namin siya ma-control nasa sa kanya na yun kng di sya makikinig.”

Si Jef, na bukod sa pagiging madyikero eh umaarte rin sa pelikula (kasama siya sa Kid Alpha 1 na pinagbibidahan ni Javi Javier). Pero sa world of magic siya nakikilalang mabuti.

Ayaw niya pa sabihin ang taong tinutukoy at tinatalakan niya. Eh, bukod sa kanya ang alam kong gumagawa rin ng magic shows and tricks eh ang naging bida sa Hari ng Sablay na si Bearwin Meily!

Nasaan na nga ba ito?

Ayaw pangalanan ni Jef ito until mangyari na ang meeting nila sa organisasyon ng mga madyikero ng bansa.

Kung nagagawa nga ito ng inaakusahan nila, eh bakit?

Ano kaya ang istorya naman sa panig ng nagbubuking ng magic tricks. Mukhang sumablay naman siya at ngayon sinisipa na siya sa kanilang samahan!

Sa Nobyembre, may isang malaking solo show na gagawin si Jef kaya naman apektado siya kung ang tricks niya at ng iba iyang kasama eh naisapubliko na ng tinutukoy niya na sumisira sa etiketa ng pagiging madyikero niya!

HARD TALK!
ni Pilar Mateo

About Pilar Mateo

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *

*

Scroll To Top