Saturday , April 11 2020
Breaking News
You are here: Home / Hataw Lifestyle / Gobyerno gagastos lang nang malaki… CBCP no sa Kaliwa dam
Gobyerno gagastos lang nang malaki… CBCP no sa Kaliwa dam

Gobyerno gagastos lang nang malaki… CBCP no sa Kaliwa dam

NANAWAGAN ang Catholic Bishops’ Con­ference of the Philippines (CBCP) sa pamahalaan na itigil ang konstruksiyon ng Kaliwa Dam na popon­dohan ng loans mula sa China.

Ang apela ay nakasaad sa isang statement na ipinalabas ng CBCP noong 26 Pebrero, na binigyang-diin ng mga obispo na ang proyekto ay mapanganib sa kalikasan at gagastusan lamang nang malaki ng gobyerno.

“The Church is not against development as long as it does not sacrifice the ‘common good’ in the name of progress,” wika ni Bishop Romulo Valles ng Davao.

“The ongoing Kaliwa Dam project of the government, in the guise of providing water to Metro Manila, is to our mind against inclusive develop­ment,” ani Valles.

Binigyang-diin niya na tumututol ang mga obispo sa proyekto dahil wawa­sakin nito ang biodiversity ng Sierra Madre mountains, ang tahanan ng Dumagat-Remontados tribe.

Ayon sa CBCP, mas makabubuting humanap ng akmang tugon sa lumalalang problema ng kakapusan ng supply ng tubig sa Metro Manila na base sa mungkahi ng mga eksperto.

“We, therefore, call on the government agencies concerned and other proponents of the Kaliwa Dam project to stop its implementation,” naka­saad sa statement ng mga obispo.

Hiniling din ng Simba­han na rebisahin ang proyekto para maitama ang mga kama­lian nito. “For the sake of the common good, we strongly recommend that eco­logically sustainable alte­rnatives be carefully considered,” dagdag ng CBCP.

Nauna nang ibinabala ni Antipolo Bishop Francisco de Leon ang panganib ng itatayong dam sa komu­nidad ng mga katutubong naninirahan sa Dumagat-Remontados sa kabun­dukan ng Sierra Madre.

Aniya, mahigit 300 ektarya ng kagubatan sa Sierra Madre ang maaaring lumubog sa tubig na magdudot ng panganib sa 126 wildlife sa kabundu­kan.

Sinabi ng Metropolitan Waterworks and Sewerage System (MWSS) na ang Kaliwa Dam ay magbibigay ng karagdagang 34 million liters ng tubig araw-araw sa mga lugar sa Metro Manila at mga kalapit na lala­wigan.

Sa kabila nito, umani ng batikos ang proyekto mula sa simbahan at iba’t ibang environmental groups. Noong 2018, hindi bababa sa 51 Catholic bishops at apat na pari ang nagpa­hayag ng kanilang suporta para sa isang pastoral letter na nilagdaan ng mg obispo ng Infanta, Quezon na may titulong “No to Kaliwa Dam, Yes to Alternative Sources of Water.”

Bukod sa mawawa­sak na kalikasan, nag­babala rin ang mga kritiko na ang proyektong pinon­dohan ng China ay mag­babaon sa Filipinas sa utang.Gobyerno gagastos lang nang malaki

About hataw tabloid

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *

*

Scroll To Top