TINUKOY ang pangalan ni dating justice secretary Vitaliano Aguirre bilang godfather ng kontrobersiyal na Pastillas scam na tumatanggap ng ‘suhol’ ang ilang immigration officials at empleyado kapalit ang pagpasok sa bansa ng Chinese workers.
Ito mismo ang ibinunyag ni broadcaster Ramon Tulfo sa kanyang pagdalo sa pagpapatuloy ng pagdinig ng Senate Committee on Women, Children, Family Relations and Gender Equality na pinamumunuan ni Senadora Risa Hontiveros, na sinabi mismo ni Allison Chiong, isa sa mga immigration officer noon.
Layunin ng pagdinig ng komite ang usapin ukol sa sexual trafficking ngunit sa huli ay isang empleyado ng immigration ang nagbunyag sa naturang scam.
Ibinunyag ni Tulfo, mismong ang porsiyento o kickback ni Aguirre ay dinadala sa kanyang bahay nsa Mulanay Quezon sa pamamgitan ng isang helicopter.
Itinuro rin ni Tulfo si Aguirre na responsable sa pag-hire at pagpapatalsik ng mga bureau officials.
Magugunitang ibinunayag ni Chiong na tumatanggap ng P20,000 kada isang linggo ang isang immigration official.
Tulfo hinamon
ng Palasyo
KASO VS AGUIRRE
IHAIN SA KORTE
HINAMON ng Palasyo ang isang kolumnista na maghain ng reklamo laban kay dating justice sec-retary Vitaliano Aguirre at patunayan na sangkot siya sa ‘pastillas scam.’
Ayon sa kolumnistang si Ramon Tulfo, ikinanta umano sa kanya ng Immigration officer at whistleblower na si Allison Alex Chiong na si Aguirre ang kumukubra ng perang suhol ng mga Chinese sa mga tiwaling opisyal sa Bureau of Immigration (BI) para makapasok sa Filipinas at makapagtrabaho sa Philippine Offshore Ga-ming Operator (POGO).
“The gov’t will always consider any complaint filed against anyone for investigation. Until such time we cannot just do anything. That’s a serious accusation. Kailangan meron kang ebidensiya,” sabi ni Presidential Spokesman Salvador Panelo.
Nais ng Palasyo ng Malacañang na maimbestigahan si dating justice secretary Vitaliano Aguirre II matapos idawit na protektor ng ‘pastillas scheme’ o panunuhol ng mga Chinese sa mga ti-waling opisyal sa Bureau of Immigration (BI) para makapasok sa Filipinas at makapagtrabaho sa Philippine Offshore Ga-ming Operator (POGO).
Dapat aniyang mag-bigay ng ebidensiya si Tulfo sa Philippine National Police (PNP) para maayos na maimbestigahan si Aguirre.
“I think Mr. Tulfo would know what to do with whatever informa-tion he has. He has to share that to the proper authorities,”dagdag niya.
Tiniyak ni Panelo, mananagot sa kasong kriminal si Aguirre kung mapapatunayang sangkot sa Pastillas scheme.
(ROSE NOVENARIO)
EX-IMMIGRATION
OFF’L BINTANG
PINABULAANAN
MAHIGPIT na pinabu-laanan ni dating dating Ports Operation Division ng Bureau of Immigration (POD-BI) na si Marc Red Mariñas na may alam siya ukol sa nabunyag na ‘pastillas scam.’
Ayon kay Mariñas, isang kasinungalingan ang mga iniharap na vi-deo ng testigong si Alli-son Chiong.
Iginiit ni Mariñas, walang ‘pastillas scam o scheme’ sa panahong siya ay nanunungkulan.
Sinabi ni Mariñas, mayroon silang prosesong sinusunod ukol sa mga taong papasok ng ating bansa at daraan sa immigration counter.
Ibinunyag ni Mariñas, ang nag-aakusa sa kanya na si Chiong ay isa sa mga empleyadong napatuna-yang guilty sa isang administrative offense na nahatulan ng suspensi-yon sa loob ng tatlong buwan dahil sa hindi pagsunod sa tamang pro-seso na ipinapatutupad ng bureau. Pinabulaanan ni Mari-ñas na nagtalaga siya ng ilang mga tao dahil unang-una ay wala si-yang appointing power.
Aminado si Mariñas na tanging ang ginagawa niya ay magrekomenda kung nararapat sa puwes-to o hindi base sa karana-san ang isang empleyado.
Nalungkot si Mariñas na ang isang dating kawa-ni at opisyal ng ahensiya na naglingkod nang tapat ay nababahiran ngayon ang pangalan. Bukod kay Mariñas, pinabulaanan din ng mga pinangalanan ni Chiong sa scam ang akusasyon laban sa kanila. (NIÑO ACLAN/CYNTHIA MARTIN)