Friday , April 19 2024
Vilma Santos

Ate Vi hands-on mom kahit busy sa trabaho

One thing na mapupuri kay Ms.Vilma Santos ay ang kanyang hands-on na pag-aalaga sa kanyang dalawang anak.

Mereseng busy sa demands ng kanyang trabaho, she always has time for her kids.

Nito nga lang sa anak nila ni Senator Ralph Recto na si Ryan Christian, kahit busy sa kanyang trabaho, she knows how to beg off in order to be able to attend to the activities in his school.

Alam ni Ate Vi ang kanyang obligasyon kaya naman lumaking close sa kanya ang kanyang mga anak dahil she always has time for them no matter how busy she is with her work as a public servant.

Suffice to say, ganon rin ang kanyang devotion sa kanyang work as a public servant.

Nito nga lang sumabog ang bulkang Taal, inikot ni Ate Vi ang kanyang nasasakupan para siguruhing maayos sila at nabibigyan ng tulong.

Compared sa ibang public official na with matching photographers ang pamimigay ng tulong sa mga tao, Ate Vi knows how to do it almost in utmost secrecy.

Sa tinagal-tagal na ba naman niya sa politika, alam na niya kung paanong gawin ang isang bagay nang hindi forcing through ang labas.

Kaya ‘yung mga nag-a-attempt na pasukin ang public service, gayahin n’yo si Ate Vi na lagi na’y may kaakibat na pagmamahal ang bawat kilos at gawain.

And with that, ito po ang Kuya Pete ninyo na nagsasabing, Christopher, my son, I love you very, very much, my love for you goes beyond eternity.
Adios. Mabalos. I always need you, Nhong!

BANAT!
ni Pete Ampoloquio, Jr.

 

About Pete Ampoloquio Jr.

Check Also

Janno Gibbs Manilyn Reynes Keempee de Leon

Manilyn pinaka-memorable na ka-loveteam si Janno

MA at PAni Rommel Placente SA guesting ni Manilyn Reynes sa Updated with Nelson Canlas, tinanong siya kung …

Glaiza de Castro David Rainey

Glaiza naka-iskedyul pagbuo ng baby

RATED Rni Rommel Gonzales SOBRANG busy si Glaiza de Castro, paano ang pagbuo nila ng pamilya ng …

Atasha Muhlach Daniel Padilla

Daniel at Atasha iniuugnay ng fans

REALITY BITESni Dominic Rea KINIKILIG ako actually sa naglalabasang cropped photos nina Daniel at Atasha Muhlach.  …

Kathryn Bernardo Jericho Rosales Alden Richards

Kathryn pinag-aagawan daw nina Alden at Echo

REALITY BITESni Dominic Rea PAGKARAANG ianunsiyo ni Kathryn Bernardo na she’s already healed after her break-up with Daniel …

Blind Item, Mystery Girl, Actress

Female starlet ‘di makapagpakita kay DOM, ‘tinamaan’ sa foreigner na sinamahan

ni Ed de Leon AY naku, mukhang natauhan na rin ang isang DOM na pinaglololoko lang siya …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *