Tuesday , March 31 2020
Breaking News
You are here: Home / News / Babaeng piskal nanuntok ng tatakas na isnatser
Babaeng piskal nanuntok ng tatakas na isnatser

Babaeng piskal nanuntok ng tatakas na isnatser

PINURI ni Mayor Francisco “Isko Moreno” Domagoso ang ginawa ng isang babaeng piskal para pigilan ang papatakas na suspek sa snatching, naganap malapit sa Manila City Hall.

Ayon kay Mayor Isko, isang mabuting mama­ma­yan ang piskal na si Lani Ramos, 51, naka­talaga sa Regional Trial Court Branch 16.

Kinilala ang suspek na si Allan Mahayag.

Sinabi ng alkalde na kapuri-puri ang ginawa ni Ramos dahil hinigitan niya ang kanyang tung­kulin bilang isang piskal sa pamamagitan ng pag­tulong sa pag-aresto sa isang snatcher na uma­min na isang recidivist, dahil ito ang pangat­long beses na naaresto sa snatching.

“Piskal ang naka­dale sa snatcher na ito. Sinuntok siya. Hindi po siya natakot. Hindi na po niya trabaho ‘yun and yet, nagmalasakit siya and she went beyond her pro­fession. She is a good citizen,” wika ni Isko.

About hataw tabloid

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *

*

Scroll To Top