Thursday , April 9 2020
Breaking News
You are here: Home / News / Netherlands Ambassador, nag-courtesy call kay Isko
Netherlands Ambassador, nag-courtesy call kay Isko

Netherlands Ambassador, nag-courtesy call kay Isko

DUMALAW at nagbi­gay-pugay si Netherlands Ambassador Saskia de Lang kay Mayor Isko Moreno.

Bumisita si de Lang sa opisina ng alkalde sa Manila City Hall, nitong araw ng Miyerkoles.

Sa pulong, ibinahagi ng dalawa ang kanilang mga plano para sa pag­pa­paunlad ng Maynila.

Ibinida ng alkalde ang pagbuo ng task force na magpapanatiling malinis at maayos ang mga kalsada sa Maynila.

“We are now addressing these concerns as well as the air quality in the city,” ani Moreno.

Binati ni de Lang ang matibay na political will ni Moreno.

Nag-alok si de Lang sa alkalde na magkaroon ng collaboration sa mga proyektong may ka­ugnayan sa open green spaces at environmental conservation.

Ani de Lang, nais niyang suportahan ang mga programang pa­tung­kol sa kalikasan sa lungsod.

About hataw tabloid

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *

*

Scroll To Top