Thursday , April 9 2020
Breaking News
You are here: Home / News / Lalaking nagbebenta ng tubig niratrat patay sa Baseco
Lalaking nagbebenta ng tubig niratrat patay sa Baseco

Lalaking nagbebenta ng tubig niratrat patay sa Baseco

PATAY ang isang 44-anyos lalaki matapos barilin ng hindi kilalang suspek habang nagbabantay sa pagbebenta ng tubig sa mga kapitbahay at abala rin sa pagte-text gamit ang kanyang mobile phone, malapit sa Baseco Compound, Port Area, Maynila.

Kinilala ang biktima na si Noel Llegue, residente sa Block 5, R12 U 772 Habitat, Baseco, Port Area.

Sa report,  11:10 pm ng 17 Pebrero nang maganap ang insidente sa nabanggit na lugar.

Habang nakaupo ang biktima sa sementadong seawall at nagte-text, biglang lumutang ang armadong lalaki at walang sabi-sabing pinaputukan nang malapitan ang biktima.

Mabilis na tumakas ang gunman matapos ang pamamaril. Inaalam ng awtoridad ang motibo at pagkakakilanlan ng suspek.

 

About hataw tabloid

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *

*

Scroll To Top