Thursday , April 9 2020
Breaking News
You are here: Home / Hataw Lifestyle / Carnival children’s party para sa 400 PWDs, handog ng St. Ignatius Rotary Club
Carnival children’s party para sa 400 PWDs, handog ng St. Ignatius Rotary Club

Carnival children’s party para sa 400 PWDs, handog ng St. Ignatius Rotary Club

INAASAHANG magdudulot ng kaligayahan ang iniha­handang carnival-themed Children’s party ng Rotary Club of St. Ignatius para sa mga batang patient with disabilities (PWDs) ng Barangay Commonwealth, Quezon City.

Bilang pagdiriwang ng ika-10 anibersaryo ng pagkakatatag ng Rotary Club of St. Ignatius District 3780, maghahandog ang kanilang pamunuan sa 400 PWDs na may edad 6-13 anyos, ng isang espesyal na kasayahan sa darating na 25 Pebrero 2020.

Sa pahayag ni Moryula Geru M. Oliveros, President-Elect ng Rotary Club of St. Ignatius, isa sa mga pangu­nahing mithiin ng isang Rotarian ang matibay na pamamahagi ng pag­gawa ng kabutihan at pag-unawa sa kanilang komunidad.

“Kabilang rito ang pagtuklas ng ibang pama­maraan upang mapalawig ang pinakamabuting maidu­dulot sa mamamayan alins­unod sa diwa ng Rotary service. Kaya para sa selebrasyon ng aming 10th founding anniversary, karapat-dapat na ang mga batang patient with disabilities ang mabigyang saya sa araw na iyon,” pali­wanag ni Oliveros, overall chairman ng nasabing event.

May temang “a decade of love and service,” magsisimula ang carnival children’s party dakong 9:00 am sa MRB Sports Complex, Brgy. Commonwealth.

Makatutuwang ni Oliveros si Rotary of St. Ignatius Champion of Service President (CSP) Jerome D. Oliveros para pangunahan ang espesyal na pagdiriwang ng kanilang isang dekadang aniber­saryo.

Ibang karanasan aniya ito para sa mga batang patients with disabilities, sanhi ng iba’t ibang kadah­ilanan, hindi naipapasyal sa mga sikat na theme park gaya ng Enchanted Kingdom.

“Kaya kami na ang luma­pit sa kanila para marana­san ng mga bata ang gani­tong experience. Tiyak na matutuwa sila dahil para sila talagang nasa carnival na may train ride, mayroon din malaking inflatable slides, clowns, game booths, balloon twisting, jugglers, magic show.

Bukod sa buffet lunch, mayroon silang cotton candy, ice cream, at popcorn na makakain habang nagpa-party,” dagdag ng president-elect.

Pangunahing sponsor ng gaganaping carnival children’s party ang Prime Care Kaagapay Life Plan Inc. (PCKLPI) na nanunung­kulan din si Moryula bilang President at Chairman of the Board.

“PCKLPIs mission is to provide a fulfilment of love by giving dignified and honourable service to our clients by creating an atmosphere of security through our cost-effective pre-need and funeral services as we serve with excellence, integrity, team collaboration, commitment and compassion,” pagtata­pos ni Oliveros.

About hataw tabloid

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *

*

Scroll To Top