Thursday , April 9 2020
Breaking News
You are here: Home / News / BI sa NAIA winalis ni Digong
BI sa NAIA winalis ni Digong

BI sa NAIA winalis ni Digong

SINIBAK ni Pangulong Rodrigo Duterte ang lahat ng kagawad ng Bureau of Immigration (BI) na nakatalaga sa NAIA dahil sa pagkakasangkot sa nabulgar na ‘pastillas’ scheme.

Sa kanyang talumpati kahapon sa graduation ceremony ng Public Safety Officers Course, iginiit ng Pangulo ang paniniwala na walang kinalaman si Immigration chief Jaime Morente sa ‘pastillas’ scheme.

“Kahapon I ter­minated all kay [Bureau of Immigration chief Jaime] Morente. Apparently, si Morente, ano mahal ko ‘yan kasi chief of police siya rito. Mabait ‘yan. Hindi niya kaya, limitado pa rin kasi ano… ‘Yung lahat sa NAIA file-an mo ng kaso tapos pinaalis ko na with the end view of dis­missal,” anang Pangulo.

Sa isang kalatas, inihayag ni Presidential Spokesman Salvador Panelo, malalang uri ng katiwalian ang ‘pastillas’ scheme na hindi puwe­deng palampasin ng gobyerno.

Tatalakayin aniya sa susunod na cabinet meeting ang BI at kung paano pangasiwaan ni Morente ang kawani­han.

“The present situation in the Bureau of Im­migration, as well as how it is being run by Commissioner Jaime Morente, will be taken up in the next Cabinet meeting,” ani Panelo.

(ROSE NOVENARIO)

About Rose Novenario

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *

*

Scroll To Top