Thursday , April 18 2024

Tumestigo sa ‘freedom for sale’… Ex-Legal Chief ng BuCor patay sa ambush

TINAMBANGAN ang isang suspen­didong opisyal ng Bureau of Corrections (BuCor) ng dalawang armadong suspek habang sakay ng kanyang minamanehong pick-up van sa Muntinlupa City kahapon ng hapon.        

Apat na tama ng bala sa ulo ang tumapos sa buhay ng biktimang si Atty. Fredric Anthony Santos, dating chief legal officer ng BuCor.

Sa inisyal na report ng Muntinlupa Police nang­yari ang pananambang dakong 1:50 pm sa Katihan Road, Barangay Poblacion, ng naturang lungsod.

Sa ulat ng pulisya, may 100 metro ang layo ng pinangyarihan ng insidente sa entrada ng BuCor compound.

Habang lulan ang biktima ng kaniyang kulay itim na Toyota Hilux pick-up van, may plakang AAN 7158 para sunduin ang kanyang anak na babae sa Southernside Montessori School, ilang metro ang layo sa lugar ng insidente.

Pinaulanan ng bala ng dalawang suspek ang sasakyan na kinaroroonan ni Santos.

Tinangka umanong takasan ng biktima ang mga suspek nang kabigin sa kabilang bahagi ng kalsada ang kaniyang minamanehong Hilux.

Sa pagsisiyasat ng mga tauhan ng Scene of the Crime Operatives (SOCO) ng Southern Police District (SPD),/ nasa driver seat ang biktima pero magka­bi­lang bintana ng sasakyan ang tinadtad ng tama ng bala ng baril. Pareho umanong nakahiga ang driver seat at passenger seat sa harapan ng sasak­yan.

Hindi rin mabatid ng mga awtoridad kung anong uri ng sasakyan ang ginamit ng mga suspek sa kanilang pag­takas.

Narekober ang anim na basyo ng bala ng kalibre .45 baril ng mga tauhan ng SOCO. May nakitang dash cam sa kotse ni Santos pero wala umanong laman na video footage/s.

Sinabing hindi guma­na ang dash cam ng biktima nang maganap ang pananambang sa kanya.

Inaalam ng pulisya kung nakunan sa dala­wang nakakabit na close circuit television (CCTV) camera ang pinangya­rihan ng insidente.

Sa rekord, dating inamin noong Setyembre 2019 ni Santos sa hearing ng kontrobersiyal na Good Conduct Time Allowance (GCTA) sa Senate Blue Ribbon Committee na lahat ay nababayaran sa New Bilibid Prisons (NBP) at may umiiral na omerta o ‘code of silence.’

Sinabi rin na halos 2,000 inmates ang napa­laya ng BuCor mula noong 2013 sa ilalim ng GCTA Law.

Lumutang ang usapin kaugnay sa GCTA dahil sa muntik na paglaya ng ex-convict/rapist Calauan, Laguna ex-mayor Antonio San­chez sa New Bilibid Prison (NBP).

Nasuspendi si Santos at magbabalik sana sa kanyang trabaho sa darating na 12 Marso.

Matapos mabunyag ang pagpapalaya kay Sanchez, tinambangan din ang Chief Adminis­trative Officer 3 ng BuCor na si non-uniformed personnel (NUP) Ruperto Traya Jr, 53 anyos.

nina MANNY ALCALA/JAJA GARCIA

AMBUSH SA BUCOR
LEGAL CHIEF WALANG
EPEKTO SA GCTA
— SEC. PANELO

KOMPIYANSA ang Palasyo na walang magi­ging epekto sa imbesti­gasyon sa iregular na pagpapatupad ng Good Conduct Time Allowance (GCTA) ang pananam­bang kahapon sa isang opisyal ng  Bureau of Corrections (Bucor).

Si BuCor chief lawyer Frederick Santos ay tinambangan malapit sa opisina ng  BuCor sa Muntinlupa City habang patungo sa paaralan upang sunduin ang kanyang anak.

Duda ni Panelo, personal ang motibo ng ambush kay Santos at walang kinalaman sa nalalaman niya sa GCTA scheme.

“Siguro mga personal cases ‘yun. ‘Pag ganyang mga tambangan puro personal,” aniya.

Kahit anjya may kinalaman pa sa kanyang trabaho ang pagpatay kay Santos, sigurado naman na may mga lulutang na testigo para ikanta ang nalalaman nila sa GCTA.

“Even assuming that it was done in relation to whatever he has done to this government, still, as I said earlier, it will not thwart or stop the campaign against corruption, because people will always be coming out to tell the truth,” ani Panelo.

Nauna rito, napaulat na nakahanda si Santos na isiwalat sa Senado ang lahat ng kanyang nalala­man sa GCTA scheme  ngunit ayon kay Senate President Tito Sotto, umatras siya.

(ROSE NOVENARIO)

 

About Manny Alcala

Check Also

Bong Revilla Jr Maynilad sinkhole

Maynilad panagutin sa sinkhole — Revilla

“DAPAT managot ang Maynilad at kanilang mga kontraktor.”                Ito ang ipinahayag ni Sen. Ramon …

BUCAA Bulacan Daniel Fernando

Sa Liga ng Palarong Basketball ng BUCAA  
MAGLARO NANG MAY PUSO — GOV. DANIEL FERNANDO

“MAGLARO kayo nang may puso. Ipakita ninyo ang pagmamahal ninyo sa sports. Tandaan ninyo, ang …

shabu drug arrest

Sa Caloocan
PINTOR HULI SA P.1-M SHABU

IMBES pagpipinta ng bahay, pumasok sa ‘drug trade’ ang isang house painter pero ‘minalas’ na …

Department of Agriculture

Para sa seguridad sa pagkain
PH GOV’T DAPAT MAGPONDO SA MODERNISASYON NG AGRI

HINIMOK ni Senador Win Gatchalian ang gobyerno na mamuhunan sa modernisasyon ng agrikultura at pagpapaunlad …

marijuana

P.6-M tsongki nasamsam sa Bulacan

TINATAYANG aabot sa P602,400 halaga ng high-grade marijuana o tsongki at cannabis oil ang nasamsam …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *