Friday , April 10 2020
Breaking News
You are here: Home / Showbiz / Latay, matunog sa Sinag Maynila
Latay, matunog sa Sinag Maynila

Latay, matunog sa Sinag Maynila

UNA munang mapapanood sa Sinag Maynila 2020 ang Lovi Poe-Allen Dizon starrer na Latay (Battered  Husband) at saka isusunod ang commercial showing.

Isa ang Latay sa limang full length films na mapapanood simula sa March 17 hanggang March 24. Mula ito sa direksiyon ni Ralston Jover at gawa ng BG Films International ni Baby Go.

Ang makakalaban ng Latay ay ang gawa ni direk Jason Paul Laxamana na  He Who Is Without Sin; The Highest Peak ni direk Arnel Barbarona; Kintsugi (Beautifully Broken) ni Lawrence Fajardo; at Walang Kasarian ang Digmaang Bayan ni direk Jay Altarejos.

Ang Sinag Maynila ay nasa ikaanim na taon ngayon. Brainchild ito ng award-winning director na si Brilliante Mendoza at Filipino film advocate na si Wilson Tieng.

Bukod sa  full-length feature films, mayroon ding documentary section at short films na mapapanood.

Sa March 22 naka-schedule ang Gabi ng Parangal.

I-FLEX
ni Jun Nardo

About Jun Nardo

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *

*

Scroll To Top