Sunday , August 16 2020
Breaking News
You are here: Home / Showbiz / Ronnie, isa na ring reservist
Ronnie, isa na ring reservist

Ronnie, isa na ring reservist

BUKOD sa pagiging piloto, isa na ring sundalo si Ronnie Liang.

Katatapos lang ng male balladeer/actor ng military training under Armor “Pambato” Division (AD) nitong February 14, sa Capas, Tarlac.

I started this 2018 pa pero wala akong sinabihan. I actually volunteered. I said na gusto kong maging parte siyempre to serve the country, to help the community lalo na sa panahon ng pangangailangan. Remember Marawi siege? ‘Yun ang nagpagising sa akin na talagang kailangan natin magtulungan as a nation.”

Dahil qualified ang magaling na singer ay isa na ngayon siyang 2nd Lt. dahil college degree holder siya, kumuha ng ROTC noong college, at nakadagdag din ang pagiging piloto n’ya. Ang iba pang requirements ay dapat physically ready at malinis ang record.

“Sobra ang paghanga at pagsaludo ko sa AFP, sa Armor Division, sa lahat ng sundalo. Hindi madali ‘yung ginagawa nila sa bayan. ‘Yung pawis nila ang sumisimbolo sa dedikasyon nila at sa serbisyo nila.”

Ang eksaktong pinagdaanan ni Ronnie ay ang Mechanized Infantry Operations Training (MIOT) to further equip his reservist competencies in addressing conventional and external threats.

The rigorous course highlights battle drills, armored vehicle defensive driving, raid mission training, and lectures on enemy armored threats.

Grabe ‘yung training. Such a humbling experience. 4 am pa lang gumigising na. Super strict sa time and kilos. Dapat talagang mabilis ka kumilos. From eating your food to taking a bath. Sobrang ma-physical niyong training but at the end of the day iisipin mo na malaki ang maitutulong niyon sa character mo and pagmamahal mo sa bayan natin.”

Bilang pormal na kasapi ng AFP family (Armor Division), nilagyan si Ronnie ng black beret at mechanized patches na sumisimbolo sa respeto, dedikasyon, passion, commitment, pagmamahal sa ginagawa, at sakripisyo ng buhay para sa bansa.

Sabi ng newly promoted 2nd Lt., ipagpapatuloy pa rin n’ya ang pagpipiloto hanggang sa commercial. Last year, nakuha n’ya ang pin bilang isang pormal na private pilot.

Ipino-promote rin n’ya ang collab song with Pop Star Royalty Sarah Geronimo titled Liwanag, available on Spotify and other digital music platforms.

This year, magpo-produce si Ronnie ng new songs dedicated to his supporters. He’s also one of the performers for PAGCOR TOUR and part of the upcoming movie under Viva that stars Bela Padilla and Marco Gumabao.

Rated R
ni Rommel Gonzales

About Rommel Gonzales

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *

*

Scroll To Top