Monday , February 24 2020
Breaking News
You are here: Home / News / Trump ‘deadma’ sa winakasang VFA ni Duterte
Trump ‘deadma’ sa winakasang VFA ni Duterte

Trump ‘deadma’ sa winakasang VFA ni Duterte

DUDA ang Palasyo sa pahayag ni US President Donald Trump  na bale­wala sa kanya ang pag­basura ni Pangulong Rodrigo Duterte sa Visiting Forces Agreement ( VFA) at makatitipid pa ang Amerika sa nangyari.

“Let’s see how his words will match the actions of the US government,” ayon kay Presidential Spokesman Salvador Panelo.

Ang pahayag ni Trump ay taliwas sa sinabi ni Panelo kama­kailan na magiging mas mainit pa ang relasyong PH-US sa pagbasura ni Duterte sa VFA dahil kilala ang Amerika na sinusuyo ang kritiko pero sa kakampi ay hindi maganda ang trato.

Sa isang panayam sa Oval Office sa Washing­ton, D.C. kahapon ay minaliit ni Trump ang pagwawakas ng VFA.

“I never minded that very much, to be honest. If they would like to do that, that’s fine. We’ll save a lot of money. You know, my views are different than other people. I view it as, ‘thank you very much. We save a lot of money’,” ani Trump.

(ROSE NOVENARIO)

About Rose Novenario

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *

*

Scroll To Top