Tuesday , March 31 2020
Breaking News
You are here: Home / Showbiz / Nadine, Thai ang ipinalit kay James
Nadine, Thai ang ipinalit kay James

Nadine, Thai ang ipinalit kay James

KUNG may Koreana si James Reid may Thai naman si Nadine Lustre.

Magbibida at magsasama sa bagong Kapamilya teleserye ang dalawa sa malaking bituin ng ABS-CBN na sina Julia Montes at Nadine Lustre, ang Burado.

Ito ang kauna-unahang pagkakataon na magsasama sina Nadine at Julia kaya naman excited ang mga ito sa pagsisimula ng kanilang teleserye.

Makakasama nina Nadine at Julia sa Burado sina Paulo Avelino, Zanjoe Marudo, at Thai actor Denkhun Ngamet.

Balitang ‘di lang sa Pilipinas kukunan ang mga esksena sa Burado dahil may mga eksena ring kukunan pa sa Thailand, Cambodia, at India.

Ang Burado ay hatid ng Dreamscape Entertainment, ang production unit na pinamumunuan ni Deo T. Edrinal. Ilan pa sa magiging casts ng  Burado sina Ina Raymundo, Lotlot de Leon, Matet de Leon, Raymond Bagatsing, McCoy de Leon, Joko Diaz, Carmi Martin, Angel Aquino, Kokoy de Santos, at Darnel Villaflor.

MATABIL
ni John Fontanilla

 

 

About John Fontanilla

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *

*

Scroll To Top