Tuesday , March 31 2020
Breaking News
You are here: Home / Showbiz / Migo Adecer, napansin agad ang galing
Migo Adecer, napansin agad ang galing

Migo Adecer, napansin agad ang galing

MATAPOS ang kanyang pagkapanalo sa sixth season ng StarStruck noong 2015, tuloy-tuloy ang blessings na natatanggap ni Migo Adecer lalo na sa kanyang stable career sa Kapuso Network. Marami ang nakapansin sa kanyang galing sa pag-arte nang gampanan ang role ni Jordan sa award-winning epic drama serye na Sahaya last year NA nakasama niya sina Bianca Umali at Miguel Tanfelix.

Tiyak na maraming fans ni Migo ang natutuwa dahil gabi-gabi na siyang napapanood sa Anak Ni Waray Vs. Anak Ni Biday ng GMA.

Bongga ang role ni Migo sa serye dahil katambal sina Barbie Forteza at Kate Valdez.

Ayon pa kay Migo, excited siya na pag-agawan ng dalawang naggagandahang babae.

Pakatutukan ang mga nakaaaliw na kaganapan sa Anak ni Waray Vs. Anak Ni Biday sa GMA Telebabad pagkatapos ng 24 Oras.

Rated R
ni Rommel Gonzales

About Rommel Gonzales

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *

*

Scroll To Top