Wednesday , August 12 2020
Breaking News
You are here: Home / Showbiz / DZMM, ‘wag masyadong higpitan si Jobert
DZMM, ‘wag masyadong higpitan si Jobert

DZMM, ‘wag masyadong higpitan si Jobert

HINDI maitatago na masama ang loob ng kolumnista at radio host na si Jobert Sucaldito. Isang buwan na siyang suspendido sa kanyang radio program, “without pay” at ang narinig niya ay iniaalok na ang kanyang trabaho sa ibang talents. Ang angal ni Jobert, 17 taon na siya sa DzMM, wala man lang bang konsiderasyon matapos na ireklamo siya ng fans ni Nadine Lustre?

Pinag-aaralan naman daw ng ABS-CBN kung may paglabag nga si Jobert sa kanyang kontrata sa network. Huwag naman sana silang maging masyadong mahigpit sa pagkakamali ng iba, para hindi rin sila mahigpitan sa mga pagkakamali nila.

Ganyan lang ang buhay. Lahat nagkakamali, at lahat ng pagkakamali ay maaaring ituwid.

HATAWAN
ni Ed de Leon

About Ed de Leon

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *

*

Scroll To Top