Tuesday , March 31 2020
Breaking News
You are here: Home / Showbiz / Aktor, mahilig tumitig sa mga nakasasabay sa gym
Aktor, mahilig tumitig sa mga nakasasabay sa gym

Aktor, mahilig tumitig sa mga nakasasabay sa gym

MAGANDA rin naman ang abs ng isang male star, pero ang hindi maintindihan ng kanyang gym instructor ay kung bakit lagi siyang titig na titig sa ibang nag-eensayo sa gym na maganda rin ang katawan? Basta raw pogi, at may pagka-chinito ang nakakasabay niyon sa gym, hindi makapag-concentrate sa sarili niyang exercise at hihingi na ng break, tapos tititigan na ang poging kasabay.

Tama kaya ang suspetsa ng kanyang fitness instructor na “may tama” rin ang male star?

Kami rin naman may matagal nang may suspetsa sa male star na iyan eh. Bukod sa ugaling ganoon, ipinagtataka rin namin kung bakit maraming tsismis ang male star na iyan tungkol sa mga kasamahan niyang pumapatol sa mga bading.

Pumapatol din ba siya sa bading o bading din siya?

Nakakapagtaka lang.

(Ed de Leon)

About Ed de Leon

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *

*

Scroll To Top