Friday , April 10 2020
Breaking News
You are here: Home / Showbiz / Eat Bulaga may 16-M followers sa official Facebook fan page… Episode sa Bawal Judgemental humamig ng 8.3-M views sa Youtube
Eat Bulaga may 16-M followers sa official Facebook fan page… Episode sa Bawal Judgemental humamig ng 8.3-M views sa Youtube

Eat Bulaga may 16-M followers sa official Facebook fan page… Episode sa Bawal Judgemental humamig ng 8.3-M views sa Youtube

Parami nang parami ang naho-hook sa segment ng Eat Bulaga na Bawal Judgemental.

‘Yung episode nila tungkol sa piloto na pinahulaan kung may dyowang flight attendant na si Rita Daniela ang celebrity judge guest, as of press time ay humamig na ng 8.3 million views sa YouTube na siyempre still counting.

Well marami kasi ang kinilig sa single na pilot na si Jeremy at may nangisay pa kaya hayun talagang dinumog ito ng libo-libong viewers.

Araw-araw ay maraming dabarkads from Luzon, Visayas and Mindanao kasama ang mga kababayan natin abroad na subscribers ng GMA Pinoy TV ang nag-aabang sa Bawal Judgemental.

Bukod sa mataas na ratings sa NUTAM ay malakas sa social media ang Eat Bulaga na may 16,108,861 followers sa kanilang official Facebook fan page.

VONGGANG CHIKA!
ni Peter Ledesma

About Peter Ledesma

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *

*

Scroll To Top