Friday , April 10 2020
Breaking News
You are here: Home / Showbiz / Sylvia, outstanding TV actress ng Lea 2020; nominado rin sa NEIFF
Sylvia, outstanding TV actress ng Lea 2020; nominado rin sa NEIFF

Sylvia, outstanding TV actress ng Lea 2020; nominado rin sa NEIFF

HAPPY si Sylvia Sanchez sa bagong award na natanggap mula sa Laguna Excellence Awards 2020, ang Outstanding TV Actress of the Year para sa mahusay na pagganap sa ABS-CBN drama series na  Pamilya Ko.

Ani Sylvia nang makausap namin sa shooting ng pelikulang Coming Home, na very thankful siya sa bagong award na nakuha niya at buong puso siyang nagpapasalamat sa bumubuo ng Laguna Excellence Awards  sa karangalang ibinigay sa kanya.

Dagdag pa ni Sylvia, isa na naman itong inspirasyon na babaunin niya sa bawat proyektong gagawin.

Pasasalamat din ang gusto niyang iparating sa CEO President ng Beautederm na nag-post ng pagbati sa kanyang bagong award. Post ni  Rhei sa Facebook”So proud of you my Ate Jojo Campo Atayde (Sylvia) Con­gra­tula­tions!”

Bu­kod sa LEA, no­minado naman bilang  Best Lead Actress In A Foreign Language Film si Sylvia sa North Europe International Film Festival mula sa mahusay niyang pagganap sa pelikulang Jesusa.

MATABIL
ni John Fontanilla

About John Fontanilla

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *

*

Scroll To Top