Friday , April 10 2020
Breaking News
You are here: Home / Showbiz / Maria Laroco, tinawag na ‘Babe’ ni Louis Tomlinson ng One Direction
Maria Laroco, tinawag na ‘Babe’ ni Louis Tomlinson ng One Direction

Maria Laroco, tinawag na ‘Babe’ ni Louis Tomlinson ng One Direction

NARANASAN ni Maria Laroco ang nais maranasan ng napakaraming kabataang babae sa buong mundo, at ito ay ang yakapin at tawaging “Babe” ni Louis Tomlinson, isa sa mga miyembro ng sikat na sikat na boy band sa mundo, ang One Direction.

Bakit ito naganap? Naging contestant kasi si Maria sa prestigious na X Factor UK noong 2018 at isa sa mga judge si Louis.

Ano ang naramdaman ni Maria na imbes na siya ang nanonood kay Louis ay siya ang pinanonood nito?

“It was…para po akong nananaginip, kasi po like during…after our Six Chair challenge, Louis approached me rin po backstage, up-close, parang ni- hug po niya ako, tapos sabi niya, ‘Oh my God, you did great babe!’

Kasi po ‘babe’ is like their word of endearment doon. Sabi ko, ‘Oh my gosh, thank you so much!’”

Judge rin sa naturang international talent search ang American Idol judge at sikat na global celebrity na si Simon Cowell.

At ayon sa kuwento ni Maria, “Sobrang kabado po ako kasi we all know naman po na Simon Cowell is very hard to please, kaya sobrang kinakabahan din po ako noon and at the same time very excited to perform sa lahat po ng mga British people and also sa mga Filipino po dahil super suporta ng Filipino community sa UK.”

Kumusta ang naging journey niya sa X Factor UK?

Sobrang unreal, na talagang…actually hanggang ngayon po I still can’t believe na nakikita ko po ‘yung sarili ko sa video na isang ‘X Factor UK’ competition, kasi talagang nangangarap lang po ako rati , na wow ‘yung mga singer na ito sobrang tataas na ‘yung mga narating nila because of ‘X Factor,’ Kailan kaya ako? Kailan kaya ‘yung turn ko na makapunta naman doon and for me to perform po sa ‘X Factor’ stage?’

“Kasi it’s my dream po and sabi ko akala ko nga po actually na hindi po siya mangyayari kahit kailan, na parang in my wildest dream I didn’t know na mangyayari po talaga siya, kaya actually hanggang ngayon, kapag nakikita ko po ‘yung video ng audition ko, naiiyak po ako.”

Unang sumali si Maria sa The Voice Kids Philippines noong 2014 bago naging contestant sa X-Factor UK.

“I auditioned po…actually I auditioned pa po like thrice roon, before ‘yung actual audition po, na naroon na sina Simon Cowell, si Louis Tomlinson and ‘yung mga iba pa pong judges, so it was very…alam mo ‘yun, parang panaginip po siya na nangyari and it was…I can’t actually believe it na nangyari siya, parang nanaginip lang po ako na, ‘Wow it happened!’

“Kasi po like I have always seen Filipinos like 4th Impact joining international competitions like ‘X Factor’ and talagang I have looked up po sa mga artists po na na-produce ng ‘X Factor’ like One Direction, and marami pa pong iba.”

Hindi man pinalad na magwagi ay umabot si Maria sa Top 6 sa Girls Category sa naturang talent competition.

Bumalik si Maria sa Pilipinas taong  2019 at nagkaroon ng l awards tulad ng  Top Global Teen Performing Artist, 2019 Kuala Lumpur Awardee, 2019 Asia’s Music Princess mula sa Global Music, at 2019 Excellence Award Pasadong Mang-aawat sa mga Kabataan.

Nag-release na siya ng unang album, ang Just Maria na available sa Pili­pi­nas at US. Si Maria rin ang first solo artist EMC Entertainment, Inc. at ang Pilit Pa Rin ang latest recording niya under EMC Entertainment, Inc. na available sa iTunes at Spotify.

Ngayong February 14 at 15 ang first solo dinner concert ni Maria, ang FIRST LOVE sa Iagos Restaurant sa Tomas Morato.

Ang dinner buffet ay7:00 p.m. at ang concert ay 9:00 p.m. Ito ay sa direksiyon ni Mannix Baja under EMC Entertainment, Inc. with Mr. Hanzel Villafuerte as Media Communications Head.

(For ticket inquiries, you may contact 09266789722 / 09171761369 / 09366982077 and look for Ms. Hyacinth or Ms. Michelle. Ticket price is PhP 1,500.00 which includes buffet dinner.)

Sa mga local artist ay may paborito si Maria. “Local artist po…I have always looked up to Ms. Sarah Geronimo.”

Na-meet na niya si Sarah?

“Opo, noong ‘The Voice Kids.’”

Team Sarah ba siya noon?

“Team Lea po, kasi po those were the times na i’m into musicals.”

Rated R
ni Rommel Gonzales

About Rommel Gonzales

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *

*

Scroll To Top