Friday , April 10 2020
Breaking News
You are here: Home / Showbiz / Abs ni Alden, apat na buwang pinaghirapan
Abs ni Alden, apat na buwang pinaghirapan

Abs ni Alden, apat na buwang pinaghirapan

INSTANT pantasya ng mga kababaihan at kabaklaan ang Asia’s Multi Media Star, Alden Richards dahil sa sobrang ganda ng katawan nito with perfect abs na bumulaga sa social media.

Kuwento ni Alden, halos apat na buwan niyang pinaghirapan ang ganoong katawan.  Itinago lang niya at hindi niya muna ipinakita habang naghahanda siya sa bagong produktong kanyang ineendoso.

Ito nga ang malaki niyang surprise sa kanyang mga tagahanga ngayong 2020. Ilang taon rin niya itong gustong gawinm magkaroon ng abs, kaya naman pinagtrabahuhan niya nang husto para magkatotoo.

Bukod sa bagong endorsement, busy din ito sa kanyang bagong show na  Centerstage, co-host si Betong Sumaya. Habang magsisilbing judge naman sina international singer-artist Aicelle Santos, renowned musical director Mel Villena, at ang original Concert Queen na si Pops Fernandez.

Mula sa direksiyon ni Louie Ignacio at mapapanood sa Feb. 16, tuwing Sunday, 7:40 p.m., sa GMA 7.

MATABIL
ni John Fontanilla

 

About John Fontanilla

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *

*

Scroll To Top