Wednesday , September 24 2025

Utos ni Digong kay Panelo dada lang, ‘di dokumentado

DOKUMENTO at hindi dada ang puwedeng maging basehan sa pagbasura sa Visiting Forces Agreement (VFA).

Ito ang inamin ng Palasyo kasunod nang pag-alma nina Executive Secretary Salvador Medialdea at Defense Secretary Delfin Lorenzana sa pahayag ni Presidential Spokesman Salvador Panelo na inutusan ni Pangulong Duterte si Foreign Affairs Secretary Teodoro Locsin Jr., na simulan ang pagpoproseso sa pagbasura ng VFA.

Sinabi kahapon ni Panelo, Sabado kasi nang ilabas ng Pangulo ang utos kaya’t natural na hindi matatanggap nina Medialdea at Lorenzana ang utos ng Pangulo dahil wala naman pasok ang mga tanggapan ng gobyerno kapag Sabado.

Ayon kay Panelo, hintayin na lamang ngayon, araw ng Lunes para maisapormal ang utos ng Pangulo.

Hindi aniya maaring verbal lamang ang utos ng Pangulo sa pagbasura sa VFA.

“Kailangan siyempre ‘yun, may executive document or rather in writing ‘yung instruction sa opisyal mo. Hindi naman pwedeng verbal-verbal lang,”aniya. (ROSE NOVENARIO)

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Rose Novenario

Check Also

Tuba Benguet landslide bagyo Nando

Sa Tuba, Benguet
9 sugatan sa landslide sa pananalasa ng bagyong Nando

SUGATAN ang siyam katao sa ilang naiulat na mga insidente ng pagguho ng lupa sa …

Dead body, feet

Sa Tanza, Cavite
Bangkay ng lalaki natagpuan sa liblib na lugar

WALA nang buhay nang matagpuan ang katawan ng isang lalaki sa liblib na bahagi ng …

Sta maria Bulacan Police PNP

Motorsiklo tinangay, ipinang-roadtrip 2 kabataan timbog

DINAKIP ng mga awtoridad ang isang lalaki at kaniyang kasamang menor de edad na itinurong …

Norzagaray Bulacan police PNP

P38-K kita ng tindahan sinikwat ng empleyado

INARESTO ng mga awtoridad ang isang lalaki matapos tangayin ang kita ng tindahang pinagtatrabahuan sa …

Taguig PNP Police

Motorsiklo ninakaw, tinangkang ibenta; Pulis-Taguig timbog sa mga kabaro

NASAKOTE ang isang pulis na nakatalaga sa Taguig CPS matapos tangkang ibenta ang ninakaw na …