Thursday , July 2 2020
Breaking News
You are here: Home / Showbiz / Roxanne, open mag-explore ng bago at challenging roles
Roxanne, open mag-explore ng bago at challenging roles

Roxanne, open mag-explore ng bago at challenging roles

F LUID! ang titulo ng bagong proyekto ni Direk Benedict Migue sa kanyang Lonewolf Productions para sa iWant na ang target playdate ay sa Summer MMFF 2020.

Naanyayahan kami para silipin ang storycon at pictorial ng cast ng Fluid.

Isang magandang modelo ang ilulunsad sa pelikula sa katauhan ni Ann Lorraine Colis na siyang makakasalo ni Roxanne Barcelo sa kanilang sizzling scenes. Erotic. Hindi bastos, ang istoryang binuo nina Direk Benedict at Carlo Baltazar Ventura.

Parang ang ‘Momol Nights’ ang take off ng istorya where ipinakita na love can start from anywhere. Rito naman, it is a very liberating kind of love. An entertaining movie with a kick,” say ni Direk.

Para kay Roxanne, napapayag siya ni Direk Benedict maging daring sa pelikula dahil sa assurance nito na aalagaan siya at si Ann sa mga eksena nila.

Nine years naman ako sa all girls school. Pero never naman ako nagkaroon ng girlfriend or ka-mutual during those years. Marami akong beshies. Lesbian and badings. Bata pa lang naman kasi ako, naka-sight na ako ng alam niyo na. So, roon pa lang, I knew na what I wanted. I acceped the role kasi, sabi ko naman last year, ‘di ba ‘am open to explore with new and challenging roles.”

Excited na nga si Ann sa mga ipagagawa sa kanila ni Direk.

Unlike Roxx, hindi naman ako nalasing ni Direk para um-oo and accept the part. Hindi naman ako nalalasing kasi. I auditioned. We talked about it.”

Janice as Roxanne’s mom in the movie will be the moral compass who will shed light sa kung ano ba ang mali at tama sa buhay.

Sabi nga ng aktres, “Tumanda na ako sa industriyang ito. Nadagdagan lang naman ng mga letra ang LGBT, QIA at ano pa ba. Nothing has changed. So, when it comes to these things, aware naman na tayo riyan.”

Joross as Roxanne’s boyfriend na hiniwalayan niya, ang magbubukas din ng isipan at puso ng karakter nito sa pelikula kung ano ba talaga ang dapat na patunguhan nila.

Sa pagtutulungan ng Lonewolf Productions at iWant, tiyak isa na naman ang Fluid sa tututukan ng mga manonood sa magiging paborito nila.

Binuksan namin ang Urban Dictionary para makita ang ibig sabihin ng Fluid Sexuality na tatalakayin ng istorya ng pelikulang Fluid.

A person who experiences fluid sexuality will experience changes in their sexual orientation, whether over a lifetime, years, months or sometimes weeks or days at a time.

People who identify as having fluid sexuality often see it as a distinct sexual orientation.

“A person with fluid sexuality may be attracted only to men for much of their life but gradually experience a growing attraction to women.

“A person may only be attracted to men for a number of months, then experience equal attraction to both genders for a period of time, then experience attraction to neither gender for a time and so on. This would be fluid sexuality.”

‘Yan ang aabangan sa mga eksenang ihahatid ng Fluid sa iWant!

HARD TALK!
ni Pilar Mateo

About Pilar Mateo

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *

*

Scroll To Top