Thursday , November 13 2025

Pinoys sa quarantine ipagdasal — Palasyo

NANAWAGAN ang Palasyo sa publiko na ipagdasal na makauwi nang walang aberya sa kani-kanilang pamilya ang 30 Pinoy mula sa China at ang repatriation ream matapos ang 14-day quarantine period.

“Let us pray for our fellow countrymen, as well as of the members of the repatriation team for their well being and that they do not show any symptom of having caught the virus, during their period of quarantine,” ayon sa kalatas kahapon ni Presidential Spokesman Salvador Panelo.

Nakarating aniya nang  ligtas ang chartered flight mula sa Wuhan City, Hubei, China lulan ang 30 Pinoys na inilikas ng repatriation team, sa Clark Airport kahapon ng umaga at agad silang dinala sa Athlete’s Village sa New Clark City sa Capas, na magsisilbi nilang tahanan sa loob ng 14 days quarantine period.

Ang kaligtasan ng mga Pinoy sa Filipinas at abroad ang pangunahing nasa isip ng pamahalaan.

“The Department of Foreign Affairs is closely coordinating with the members of the Filipino communities in countries where there are confirmed cases of the 2019 NCoV, and they can rest assured that the Philippine Govern­ment is ever ready to provide whatever assistance necessary to protect their welfare,” ani Panelo.

“Here at home, together with the Depart­ment of Health, we will continue to be pro-active in providing assistance and close cooperation with local authorities to assuage fears and combat this virus threatening the global community. All protocols and health measures to neutralize this deadly virus have been put in place and are being implemented to secure the safety of our countrymen,” dagdag niya.

(ROSE NOVENARIO)

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Rose Novenario

Check Also

PNP Nartatez

Nartatez tumutok sa mga operasyon paglipas ng bagyo

MABILIS na tinutukan ni Acting Chief PNP Lt. Gen. Jose Melencio C. Nartatez Jr., ang …

SM Iloilo DTI Panubli-on 1

Local Ingenuity Shines at DTI’s Panubli-on Heritage Trade Fair in SM City Iloilo

DTI Region 6 officials together with SM Supermalls Iloilo Team open the Panubli-on Heritage Trade …

Reginald Philip Alto IPO Pascual Lab

IPO PH pinarangalan PascualLab at co-patentees para sa eksklusibong invention patents

ALAM MO NA!ni Nonie Nicasio PINARANGALAN noong Oct. 25 ng Intellectual Property Office (IPO) ang …

Kris Aquino Bea Alonzo Andrea Brillantes

Bea nasorpresa kay Kris, magnininang nga ba? 

SHOWBIZ KONEKni Maricris Valdez KUNG marami ang nasorpresa sa pagbati ni Kris Aquino kay Bea Alonzo, ganoon din …

PNP handa Bagyo Uwan

PNP Chief Nartatez nanguna sa malawakang paghahanda laban sa super typhoon Uwan

SA PAGHAHANDA ng bansa sa pagtama ng super typhoon Uwan, puspusan ang ginawang paghahanda ng …