Friday , April 10 2020
Breaking News
You are here: Home / Showbiz / Franchise bill ng ABS-CBN, pinabibigyang prioridad ng maraming grupo
Franchise bill ng ABS-CBN, pinabibigyang prioridad ng maraming grupo

Franchise bill ng ABS-CBN, pinabibigyang prioridad ng maraming grupo

NITONG Pebrero 5 ay hindi nakasama ang ABS-CBN network sa hearing sa Kongreso para pag-usapan ang renewal ng prangkisa nito na magtatapos na sa susunod na buwan.

Kaya nangangalampag lalo ngayon ang Kapamilya fans, grupo ng international journalists, at ilang mga kongresista sa Kamara na bigyang prioridad ang franchise bill ng network.

Nakiisa ang grupo ng fans ng Laban Kapamilya at Kapamilya Online Community sa pagdeklara ng suporta sa prangkisa ng ABS-CBN, kasunod ng pag-anunsiyo ng apela sa Kongreso ng ilang personalidad mula sa industriya, tulad nina Coco Martin, Joel Lamangan, at Ricky Lee ng Artists Task Force Chacha.

Kabilang din ang fan groups sa silent protest kasama ang National Union of Journalists (NUJP), College Editors Guild of the Philippines, at Defend Job Philippines na ginanap sa labas ng ABS-CBN compound noong Biyernes.

May grupo ng international journalists na base sa Paris ang nagpahayag din ng kanilang suporta sa ABS-CBN. Nanawagan ang Reporters Without Borders (RSF) sa Philippine Congress na siguraduhin ang survival ng ABS-CBN sa pamamagitan ng pag-renew sa prangkisa nito.

As the leading TV and radio network, offering independent, verified news and information free of charge to millions of citizens, ABS-CBN plays an absolutely fundamental democratic role in the Philippines,” ayon kay Daniel Bastard, head ng Asia-Pacific desk ng RSF.

Pakiusap ng grupo sa chairman ng House committee on legislative franchises na si Rep. Franz Alvarez na isama na sa agenda ang franchise renewal ng ABS-CBN. Dagdag ni Bastard, nakasangkalan aniya ang kredibilidad ng demokrasya ng bansa rito.

May siyam na bills na ang naisumite sa Kongreso na naglalayong mai-renew ang broadcast franchise ng kompanya. Nag file rin si Rep. Edcel Lagman ng resolusyon na humihiling sa House committee na dinigin na “without delay” ang sama-samang franchise bills sa plenary.

Subalit ayon sa Bayan Muna representatives na sina Carlos Zarate at Ferdinand Gaite, hindi pa nakapag-set ng hearing si Rep. Alvarez hanggang ngayon para sa franchise renewal ng TV network sa kabila ng nalalapit na Lenten adjournment ng Kongreso sa Marso 14.

Pakiusap ni Congressman Zarate sa House Speaker at kay Rep. Alvarez na makapag-set na ng hearing sa susunod na linggo dahil sa nalalabing oras sa Kamara.

Maraming grupo pa ang kamakailan ay nagpahayag din ng suporta sa franchise renewal ng ABS-CBN, kasama na ang alyansang Green Thumb Coalition at Philippine Movement for Climate Justice. Anila, malaki ang naging kontribusyon ng TV network sa pagpapalaganap ng kahalagahan ng environment protection at conservation sa pamamagitan ng educational programs, public service, at pagbabalita nito.

Hiniling din ng Concerned Artists of the Philippines sa kanilang mga kasamahan sa entertainment industriy na manawagan sa kapwa Filipino na suportahan ang pakikilaglaban sa tinatawag ng NUJP na rape of democracy.

FACT SHEET
ni Reggee Bonoan

About Reggee Bonoan

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *

*

Scroll To Top