Thursday , April 9 2020
Breaking News
You are here: Home / News / BABALA: Ian Darcy bistadong hindi rehistrado
BABALA: Ian Darcy bistadong hindi rehistrado

BABALA: Ian Darcy bistadong hindi rehistrado

NABERIPIKA ng Center for Cosmetics Regulation and Research ng Food and Drug Administration (FDA), alinsunod sa ginawang monitoring at sample purchase ng pabango na hindi rehistrado ang pabangong Ian Darcy Eau de Parfum.

Sa ilalim ng batas, kinakailangang mag­ notify o magrehistro sa FDA ang lahat ng produktong cosmetics, kabilang ang mga paba­ngong ibebenta sa publiko.

Ito ay upang masigu­rado ng FDA ang quality ng produkto at upang matiyak na ligtas itong gamitin ng konsyumer.

Nadiskubre rin ng FDA na bukod sa hindi rehistradong pabangong ibinebenta ng Ian Darcy, ang kompanyang Ian Darcy mismo ay walang license to operate bilang manufacturer o distributor ng pabango.

Mag-iisyu ng kinau­kulang advisory at mapa­sasailalim sa karampa­tang aksiyon ang mga pag labag na ito ng pabangong Ian Darcy.

Sa kasalukuyan, may 62 tindahan ang Ian Darcy at lahat ito ay napagalaman ng ahen­siya na walang kauku­lang rehistro.

Nagbabala sa publi­ko na mag­ ingat sa pagbili ng cosmetic o pabangong hindi rehis­trado sa FDA, dahil hindi garantisado ng gobyerno ang kaligtasan at kalidad ng mga nasa­bing produkto.

About hataw tabloid

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *

*

Scroll To Top