Thursday , April 9 2020
Breaking News
You are here: Home / News / P66-M investment ‘nilusaw’ ng lady scammer

P66-M investment ‘nilusaw’ ng lady scammer

ISANG lady scammer ang sinampahan ng kasong estafa sa sala ni Pasay City RTC Branch 111, Judge Wilhelmina Jorge-Wagan dahil sa naglahong P66-milyong investment ng isang negosyante noong nakaraang 2019.

Ayon sa biktimang nego­syante, parang nagla­hong bula ang kanyang P66-milyong investment nang ipagkatiwala niya sa isang babaeng nagpa­kilalang beauty products distributor bilang business partner ngunit nang lumaon ay natuk­lasan niyang isa palang scammer.

Sa reklamong inihain ng isang private in­dividual, tinukoy niya ang inakusahang lady scammer na kinilalang si Lovelyn Meshi Nuevo a.k.a. Lovelyn Meshi Nuevo Goto, 35 anyos, may residential address sa Int’l BF Homes, Las Piñas City, at sa Hillsborough Village, Alabang, Muntinlupa City.

Si Nuevo ay nagpapakilalang may-ari ng kompanyang Novo Phils., at Beauty and More Cosmetic Services and Trading.

Ayon sa biktimang negosyante, napilitan siyang maghain ng reklamo laban kay Nuevo dahil bukod sa hindi na naibalik ang kanyang P66-milyong investment ay hindi ito kumita at higit sa lahat walang naipakitang produkto sa kanya.

Aniya, “Bilang isang negosyante lagi akong may tiwala sa mga katransaksiyon ko. Kaya nang inalok niya akong mag-invest at ipinali­wanag sa akin ang takbo ng business, madali niya akong napaniwala.”

“Basically, business is about trust, otherwise you are not a good businessman if you can’t trust anybody in the business world,” dagdag ng biktimang negosyante, “kaya nakadedesmayang makatagpo ng scammer at isang babae pa.”

Unti-unti umanong nalantad na panloloko ang tunay na intensiyon ni Nuevo sa panghihi­kayat sa biktima na mag-invest sa kanyang negosyo nang sa pagla­kad ng panahon ay hindi siya mabigyan ng kita at lalong walang maipaki­tang produkto.

Sa kabila na hindi nakapagko-comply sa kanilang kasunduan ang akusadong si Nuevo, sinikap ng biktimang negosyante na bigyan ng pagkakataon na maibalik sa kanya ang kanyang P66-M investment o kahit magbigay sa kanya ng produkto, pero alinman sa dalawa ay walang natupad.

Pagkatapos ng ilang panahong pagbibigay ng palugit at pang-unawa, wala nang nagawa ang biktimang negosyante kundi ireklamo sa piskal­ya si Nuevo na kama­kailan lang ay inireko­menda ni Assistant City Prosecutor Rina Alcantara na sampahan ng kasong estafa, at inaprobahan ni Chief City Prosecutor Elmer Cris Rillo.

HATAW News Team

About hataw tabloid

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *

*

Scroll To Top