Thursday , April 18 2024

Mag-asawang senior citizens, senglot patay sa Baseco, QC fire

TATLO katao na kina­bibilangan ng mag-asawang sexagenarian ang namatay sa sunog na naganap sa Nova­liches Quezon City at sa Baseco Compound, Port Area, Maynila nitong Martes at Miyerkoles ng madaling araw.

Hindi nakalabas ng bahay ang mag-asa­wang senior citizens sa sunog na naganap sa Novaliches, Quezon City, nitong Martes ng madaling araw.

Kinilala ang mag-asawa na sina Crisencio Catig, 66, at Salvacion, 63, kapwa nakatira sa Block 11 Lot 16, Nep­tune Street, Phase 3, North Olympus, Bara­ngay Kaligayahan, Fair­view, Quezon City.

Sa ulat ng Bureau of Fire Protection (BFP) ng Quezon City, ang sunog ay naganap dakong 4:10 am, 5 Pebrero.

Sa imbestigasyon, nagsimula ang apoy malapit sa pintuan ng bahay kaya hindi naga­wang makalabas ng bahay ng mag-asawa na kapwa natagpuang sunog na mga bangkay sa kanilang banyo.

Nagtagal nang 30 minuto ang sunog na itinaas sa unang alarma at idineklarang fire out dakong 4:40 am.

Ayon kay QC-BFP F/Insp. Marvin Mari, ina­kala ng mag-asawa na ligtas sila sa loob ng banyo kaya roon sila nagtago habang nasusu­nog ang kanilang taha­nan.

Payo ni Mari, kapag ang isang indibiduwal ay nakulong sa nasusunog na kabahayan, mas mai­nam na magtalukbong ng basang kumot, saka gumapang papalabas ng  tahanan.

Patuloy na nagsasa­gawa ng imbestigasyon ang BFP – QC para maba­tid ang dahilan ng sunog.

Sa BASECO, isang lasing na lalaki ang nama­tay sa loob ng bahay na sinabing pinagmulan ng sunog dahil natumba umano ang kandilang ginagamit.

Naganap ang mala­king sunog sa residential area sa Blk. 15  Baseco Compound Port Area, Maynila Martes ng gabi.

Kinilala ang biktima na si Gino Escobedo, 42, walang asawa,  jeepney driver, tubong  Bicol at residente sa  0219, Block 15-A, Baseco Com­pound.

Dakong 11:05 pm nitong Martes nang mag­simula ang sunog na itinaas sa Task Force Bravo at idineklarang fire out ganap na 2:48 am kahapon, Miyerkoles.

Ayon sa Bureau of Fire Protection (BFP), nagsi­mula ang sunog sa ikalawang palapag ng bahay na inookupahan ni Mary Jane Papauran.

Nawalan ng tirahan ang nasa 1,033 pamilya na naapektohan ng sunog ayon kay Manila Social Welfare and Development (MSWD) Director Re Fugoso.

Tinatayang nasa P2 milyon ang halaga ng pinsala sa sunog na umabot sa 300 kabaha­yan ang natupok ng apoy.

Bahagya rin nada­may ang eskuwelahang Corazon Aquino Elementary School dahil sa lawak ng sunog na nasa tabi ng seawall ng Baseco.

Kinokompirma ng BFP ang mga ‘haka-haka’ tungkol sa pinag­mulan ng sunog. (ALMAR DANGUILAN)

About Almar Danguilan

Check Also

Bong Revilla Jr Maynilad sinkhole

Maynilad panagutin sa sinkhole — Revilla

“DAPAT managot ang Maynilad at kanilang mga kontraktor.”                Ito ang ipinahayag ni Sen. Ramon …

BUCAA Bulacan Daniel Fernando

Sa Liga ng Palarong Basketball ng BUCAA  
MAGLARO NANG MAY PUSO — GOV. DANIEL FERNANDO

“MAGLARO kayo nang may puso. Ipakita ninyo ang pagmamahal ninyo sa sports. Tandaan ninyo, ang …

shabu drug arrest

Sa Caloocan
PINTOR HULI SA P.1-M SHABU

IMBES pagpipinta ng bahay, pumasok sa ‘drug trade’ ang isang house painter pero ‘minalas’ na …

Department of Agriculture

Para sa seguridad sa pagkain
PH GOV’T DAPAT MAGPONDO SA MODERNISASYON NG AGRI

HINIMOK ni Senador Win Gatchalian ang gobyerno na mamuhunan sa modernisasyon ng agrikultura at pagpapaunlad …

marijuana

P.6-M tsongki nasamsam sa Bulacan

TINATAYANG aabot sa P602,400 halaga ng high-grade marijuana o tsongki at cannabis oil ang nasamsam …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *