Thursday , April 9 2020
Breaking News
You are here: Home / News / KJC Missionaries na-trauma sa FBI raids

KJC Missionaries na-trauma sa FBI raids

MATINDING trauma ang inabot ng missiona­ries ng Kingdom of Jesus Christ sa Los Angeles at Hawaii compound mata­pos ang sorpresang pag­sa­lakay ng mga arma­dong federal agents dahil sa alegasyon ng human trafficking at illegal fundraising.

Sa mga interbyu, nasu­buan umano ng mga maling impormasyon ang FBI na nagsasabing ar­ma­do ang mga miyembro ng KJC at may mga taong minamaltrato sa loob ng kanilang compound.

Sinabi ni Annabelle Juarana, 45 anyos, 26-taon nang missionary, kagigising umano niya nang maganap ang pag­salakay.

Winasak umano ng federal agents ang kani­lang pintuan at tinutukan sila ng mga baril na may red laser lights.

“In all my 26 years as a missionary sent all over the world for the Kingdom, I had never experienced anything like this,” aniya.

Ayon kay Kapitanna, 22 anyos, ipinanganak sa Lancaster, California at may limang taon nang missionary sa KJC, pinapila sila sa labas at pinosasan habang may mga helicopter na umiikot sa compound:

“This was something that we only saw in the movies and now it was happening to us. We’re just church missionaries here, we have no guns or anything. We have nothing to hide.”

Puwersahan umano silang inipon sa labas ng worship center habang isinasailalim sa interograsyon at tinanong sila kung puwersahan silang nagsasagawa ng fundraising at kung ki­nom­piska ng KJC ang kanilang mga pasaporte.

Maging ang matatan­da o senior citizens nilang miyembro ay pinapila umano sa labas nang walang suot na jacket.

“They told me they were informed that we had heavily armed guards here. We told them they were misinformed about us here. They were very apologetic and said they were just doing their job,” ani Jennifer Callao.

Kaparehong trauma ang sinapit ng kongre­gasyon sa Waipahu, Hawaii, na kasabay na sinalakay ng may 50 FBI agents.

Ayon kay Chelcey Guerrero, tinutukan pa sila ng baril ng dalawang FBI agent kahit karga niya ang kanyang isang taong gulang na anak na si Moanna.

Habang ang kanyang 80-anyos ama na si Rolando Guerrero, hindi na nakaririnig ay tinutu­kan din nang hindi niya maintindihan na kaila­ngang itaas ang kamay ayon sa utos ng raiding team.

Ang pagsalakay ay isinagawa ng FBI sa Van Nuys gayondin sa mga compound ng KJC sa San Francisco, Delano, Vir­ginia, Houston, Missouri, at New York.

Ang magkakasabay na raid ay isinagawa base umano sa isinumiteng affidavit sa United States District Court ng ilang dating miyembro ng KJC.

Binisita rin ng FBI ang pioneer members ng KJC na nagsisilbi bilang part-time missionaries at tinanong tungkol sa mga alegasyong immigration fraud.

Mahigpit nang itinanggi ng liderato ni Pastor Apollo C. Quiboloy, Executive Pastor ng Kingdom of Jesus Christ, ang mga akusasyon at sinabing nag-ugat ito sa “grand conspiracy of lies concocted by men and women who were once part of KJC but struck an alliances with forces jealous of the meteoric rise of Pastor ACQ and the KJC.”

“The truth will come out and we will vigorously defend the KJC administrators unsupported charges. We look forward to our day in court,” ayon naman sa legal counsel ng KJC na si Atty. Israelito Torreon.

Nakikipagtulungan umano ang KJC sa US authorities para malina­wan ang asunto.

About hataw tabloid

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *

*

Scroll To Top