Tuesday , September 23 2025

Digong sasalubong sa 42 Pinoys mula China

NAIS ni Pangulong Rodrigo Duterte na personal na salubungin ang mga Pinoy na ililikas mula China bago dalhin sa quarantine site sa Fort Magsaysay, Nueva Ecija sa Sabado.

Sinabi ni Cabinet Secretary Karlo Nograles, umuusad ang talakayan sa Presidential Manage­ment Staff (PMS) at Presidential Security Group (PSG) kung papayagan ang Pangulo na makahalubilo ang mga Pinoy mula sa lugar na pinagmulan nang kina­tatakutang novel corona virus.

“The President wants to be there. He’d like to be there on Saturday pero tingnan muna natin sa (let’s see with the) PMS and PSG,” aniya.

Inutusan ng Pangulo si Health Secretary Francisco Duque III na salubungin ang mga Pinoy mula China at tiyakin na magpapa­tupad ng mga hakbang upang maging ligtas ang lahat.

Nakatakdang duma­ting sa Sabado ang 42 Pinoy mula sa China sa Clark International Air­port at dadalhin sila sa Fort Magsaysay para sa 14-day mandatory quaran­tine.

(ROSE NOVENARIO)

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Rose Novenario

Check Also

Bulacan

Sa Bulacan
DAAN-DAAN NAGPROTESTA VS KORUPSIYON

“BAHAIN ng galit ang mga buwayang kurakot!” Sigaw ng hindi bababa sa 500 kataong nagmartsa …

bagyo

Super Typhoon Nando lalong lumakas; klase, pasok sa gobyerno suspendido

IDINEKLARA ng Malacañang ang suspensiyon ng mga klase at pasok sa mga tanggapan ng pamahalaan …

Karahasan sa mga kilos protesta 72 arestado sa Maynila

Karahasan sa mga kilos protesta 72 arestado sa Maynila

DINAKIP ng mga tauhan ng Manila Police District (MPD) ang hindi bababa sa 72 indibiduwal …

Celebrites Rally Protest

Entertainment sector lumahok sa protesta vs multi-trilyong korupsiyon

BUKOD sa sektor ng mga relihiyoso, lumahok sa panawagan ng publiko na labanan ang malawakang …

Protest Rally

Sa P3-trilyong anomalya sa flood control projects
MALAWAKANG PROTESTA ‘BUMAHA’ SA BUONG BANSA

LIBO-LIBONG indibiduwal ang nagtipon-tipon sa EDSA People Power Monument nitong Linggo, 21 Setyembre, bilang protesta …