Friday , April 10 2020
Breaking News
You are here: Home / Showbiz / Arjo, sobrang natuwa sa sorpresa ni Maine
Arjo, sobrang natuwa sa sorpresa ni Maine

Arjo, sobrang natuwa sa sorpresa ni Maine

SOBRANG masaya si Arjo Atayde na nakilala niya nang personal ang idol niyang Filipino-American stand-up comedian na si Jo-Koy.

Noong Sabado, February 1, ipinost ng award-winning actor sa kanyang Instagram account ang litrato nila nina Maine Mendoza at si Jo- Koy.

Sa kanyang post, sinabi niya  na matagal na siyang fan ni Jo Koy at si Maine ang naging dahilan para makilala ito.

Sulat ni Arjo sa kanyang caption: “I stumbled upon Jo Koy’s clips on YouTube 14 years ago and I’ve been a fan since then.

“I waited so long for this moment and it truly is such an honour to finally meet him. Thank you so much @jokoy you’re such an inspiration. Please make sure to come back!!”

Sa bandang dulo ng kanyang post, pinasalamatan din ni Arjo si Maine.

But also, aside from Jo Koy, thank you to this cutie in the middle for the most unbelievable and unexpected surprise ever. I love you.. Thank you [heart emoji].”

Hindi sinabi ni Arjo kung kailan niya nakilala si Jo-Koy. Pero base sa kanilang litrato, kuha ito sa back stage ng show ng sikat na stand-up comedian na ginanap sa Waterfront Cebu City Hoel & Casino noong January 17, 2020.

MA at PA
ni Rommel Placente

 

 

About Rommel Placente

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *

*

Scroll To Top