Wednesday , November 5 2025

Hazard pay para sa health workers welcome sa RITM

MALUWAG na tatang­gapin ng Research Institute for Tropical Medicine (RITM) sakaling may magsusulong na dagdagan ang hazard pay ng health workers na direktang nagkaroon ng kontak sa mga nagpo­sitibong pasyente ng novel coronavirus at iba pang uri ng mapanganib na sakit.

Ayon kay Celia Carlos, director ng RITM, malugod na tatanggapin ng kanilang hanay kung may dagdag na hazard pay.

Sa ngayon aniya, mayroong tinatanggap na standard hazard pay ang mga health worker.

Hindi kasi aniya biro na ilagay sa panganib ang kanilang buhay, upang magamot ang mga tinatamaan ng iba’t ibang uri ng sakit.

Kaugnay nito, uma­pela si Carlos sa publiko na huwag nang makipag-agawan sa pagbili at paggamit ng face mask kung hindi naman kina­kailangan.

Payo ni Carlos, hindi kailangan magsuot ng face mask ang ordinar­yong tao kung walang respiratory problem.

Mas makabubuti aniyang ilaan muna ang mga face mask sa health workers na nagreresponde sa sakit na novel corona­virus.

Samantala, sa press briefing sa Palasyo, sinabi ni Dr. Rabinda Abeya­singhe, ang kinatawan ng World Health Organi­zation (WHO), kontento ang kanilang hanay sa mga aksiyon na ginawa ng Filipinas para maso­lusyonan ang naturang problema.

Ayon kay Abeya­singhe, kompiyansa ang WHO na kakayanin ng Filipinas na makontrol at matigil ang outbreak ng coronavirus.

Dagdag ng opisyal, naging proactive ang pamahalaan, naging alerto at aktibo at hindi nagkait ng impormasyon sa publiko.

Mahigpit din aniya ang ginawang pakikipag-ugnayan ng DOH sa WHO para sa update sa fact-based developments and approach mula sa mga medical experts.

Sa ngayon, dalawang kaso ng novel coronavirus ang naitala sa Filipinas at isa sa mga pasyenteng Chinese ang namatay.

(ROSE NOVENARIO)

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Rose Novenario

Check Also

Salceda AIAI

Albay AI Institute, inilunsad ni Salceda

POLANGUI, Albay – Inihag at inilunsad sa bayang ito kamakailan ni dating Albay 2nd District Rep. …

Rodjun Cruz

Rodjun aminado Rayver mas magaling sumayaw (kahit dalawang beses nag-champion)

MATABILni John Fontanilla GRAND champion  ang duo nina Rodjun Cruz at Dasuri Choi sa katatapos  na Stars on the Floor ng GMA …

PNP Nartatez Saludo Joel Deiparine

PNP, Nagbigay-Pugay kay Capt. Deiparine: Isang Buhay ng Katapangan, Paglilingkod, at Dangal

Pinangunahan ni Acting Chief PNP, Police Lieutenant General Jose Melencio C. Nartatez Jr., ang pagkilala …

PNP Nartatez Undas Bus

PNP naka-full alert para sa ligtas na paggunita ng Undas 2025

Habang milyon-milyong Pilipino ang nagsisiuwian upang alalahanin ang kanilang mga yumaong mahal sa buhay, nakahanda …

Scam fraud Money

Opisyal ng DA at  PRDP  at maliliit na contractors nabiktima ng scammer

ISANG grupo ng mga scammer ang nalantad sa pagpapakalat ng mga gawa-gawang kuwento ng katiwalian …