Thursday , April 9 2020
Breaking News
You are here: Home / Showbiz / Maria Laroco’s first love
Maria Laroco’s first love

Maria Laroco’s first love

TATLONG taong gulang pa lamang si Maria Laroco nang magpakita ng interes sa pagkanta. Kasunod nito ang pagsali-sali niya sa isa’t ibang singing contest na lalong nagpahasa sa kanyang talento.

Lahat na yata ng barangay singing contest nasalihan ko na,” pagbabalik-tanaw niya.

Isa si Lea Saloga sa mga naka-influence sa kanya sa musika gayundin sina Aretha Franklin at Liza Minelli.

Hilig naman niya ang pop, jazz, at soul genre music kaya naman nakita ito nang sumali siya sa The Voice Kids Philippines noong 2014Pagkaraan nito’y nag-guest siya sa iba’t ibang networking companies at ang pinakahuli ay nang sumali siya sa UK X Factor.

Taong 2018 nang magbukas ang malaking opportunity sa kanya at ito ay dahil sa UK X Factor. Actually, matagal niyang pangarap ang makasali at makita ng personal si Simon Cowell at hindi naman siya nabigo.

Pinuri siya hindi lamang ni Cowell, maging ng iba pang hurado sa UK X Factor nang kantahin niya ang Purple Rain na naging daan para makapasok at maging Top 6 sa Girls Category.

Sa mentorship at guidance ni Cowell, maraming opportunity ang nagbukas. Bukod sa X Factor UK, sumali rin siya sa Great British Festival Singing Competition na umakyat agad bilang Grand Finalist. Taong 2019 nang bumalik siya ng Pilipinas para ipagpatuloy ang nasimulan.

At bilang recording artist nakakuha siya ng mga award tulad ng Top Global Teen Performing Artist, 2019 Kuala Lumpur Awardee, 2019 Asia’s Music Princess mula sa Global Music, at 2019 Excellence Award Pasadong Mang-aawit sa mga Kabataan. Ini-release rin niya ang unang album na may titulong Just Maria na available sa ‘Pinas at US.

Last year din siya inilunsad bilang solo recording artist ng EMC Entertainment Inc., sa pamamagitan ng Pilit Pa Rin.

At sa February 14 at 15 mayroon siyang solo dinner concert, ang First Love na magso-showcase ng variety of repertoire ni Maria at magpapakita ng kanyang versatility sa iba’t ibang genre. Ang First Love ay gagawin sa Iagos Restaurant sa Tomas Morato. Ang dinner ay magsisimula ng 7:00 p.m. at ang concert ay magsisimula ng 9:00 p.m.. Ididirehe ito ni Mannix Baja under EMC Entertainment Inc. kasama si Hanzel Villafuerte bilang Media Communications Head.

Para sa inquiries, tumawag sa 09266789722/09171761369/09366982077 and look for Ms. Hyacinth or Ms. Michelle. Ticket price is PhP 1,500.00 which includes buffet dinner.

SHOWBIZ KONEK
ni Maricris Valdez Nicasio

About Maricris Valdez Nicasio

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *

*

Scroll To Top