Monday , March 30 2020
Breaking News
You are here: Home / Showbiz / Appropriate legal action, sagot ng Viva kay Nadine
Appropriate legal action, sagot ng Viva kay Nadine

Appropriate legal action, sagot ng Viva kay Nadine

NAGHAHANDA na ang Viva Artists Agency (VAA) na idemanda si Nadine Lustre bilang sagot sa pagpapalabas nito ng legal announcement na tinapos na n’ya ang kontrata n’ya sa VAA at siya na ang personal na mamahala ng career n’ya.

Pinalutang ng aktres ang pasya n’yang iyon noong Lunes ng hapon sa pamamagitan ng Kapunan and Castillo law office. Ang pahayag ng nasabing law office ay “[Nadine] has decided to terminate her agency contract with Viva…” Idinagdag din sa statement na ang aktres ay “[currently] self-managed and will continue to be so indefinitely.”

“…  Bookings and inquiries may be directly addressed to her,” pagbibigay diin pa ng statement.

Noong dakong ika-9 ng gabi ng Lunes, nagpalabas naman ng pahayag ang VAA na “[it] will initiate appropriate legal action” laban kay Nadine.

Ang katwiran ng VAA ay “[she] remains an exclusive artist of VIVA as she has a valid and subsisting management contract.” Official talent pa nila ang ex-live-in girlfriend ni James Reid.

Maaalalang noong Disyembre pa ipinabatid ni Nadine na wala na siya sa pamamahala ng VAA kaya’t pumirma siya ng kontrata para maging recording talent ng Careless, ang music company ni James na noong panahong iyon ay boyfriend pa n’ya at ka-live-in.

Maaala pa rin na si James man ay nagpalabas ng legal announcement (sa pamamagitan din ng Kapunan Castillo law office) na wala na siya sa pamamahala ng VAA at “self-managed” na siya.

Hindi nag-react ang VAA sa pahayag na ‘yon ni James.

Actually, sa pahayag ng VAA, hindi lang si Nadine ang binabanggit na idedemanda ng kompanya kundi pati na ang mga tao at establisimyento na kukuha sa aktres para sa ano pa mang proyekto. Heto ang pangungusap na iyon: “VIVA shall initiate appropriate legal action against Nadine and/or third parties that directly deal with Nadine in contravention of VIVA’s management contract.”  

Sa ngayon ay sa iisang show na lang sa ABS-CBN napapanood si Nadine: sa patapos na ring Your Moment, na isa siya sa mga hurado sa mga paligsahan sa pagkanta at sa pagsayaw.

Dahil noong mga nakaraang buwan pa nagsimula ang Your Moment, ang VAA pa ang nagpasok kay Nadine sa show.

Posibleng ‘di na pwedeng kumbidahin si Nadine para mag-perform sa ano mang show ng Kapamilya Network dahil sa pahayag ng Viva.

Maayos naman ang relasyon ng VAA sa ABS-CBN dahil doon nakapuwesto ang mga artistang mina-manage ng kompanya, gaya nina Anne Curtis, Sarah Geronimo, Vice Ganda, at Bela Padilla.

Habang isinusulat namin ito ay wala pang reaksiyon si Nadine, ang legal advisers n’ya, at ang fans nina Nadine at James. Aantabayanan namin ang mga reaksiyon nila at iuulat sa inyo.

KITANG-KITA KO
ni Danny Vibas

About Danny Vibas

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *

*

Scroll To Top