Thursday , April 9 2020
Breaking News
You are here: Home / Showbiz / Princess of Love Songs, sikat sa spotify at iTunes
Princess of Love Songs, sikat sa spotify at iTunes

Princess of Love Songs, sikat sa spotify at iTunes

NAKABIBILIB naman itong tinaguriang Princess of Love Songs at indie singer-songwriter na Registered Nurse by profession, si Diane De Mesa na bagamat walang koneksiyon sa mga record label, sumikat ang kanyang mga kanta.

Siya ang nagpasikat ng mga awiting Miss Na Miss Kita, ‘Di Bale Na Lang, If Only We Could Be Together, May mahal Ka na Bang Iba?, at Tama Na mula sa kanyang album na With Love.

Sumikat ito sa Spotify, iTunes, at Youtube na marami ang nagda-download ng kanyang mga awitin. Mayroong 200k stream at 65k listerners ang kanyang mga kanta sa Spotify bukod pa ang Youtube channel niyang /msdianeg na mayroon siyang 9 million views.

Nakapag-release na ng apat na album si Diane na ang tatlo rito ay puro mga original songs ang laman.

Sa ibang bansa namamalagi si Diane, sa Bay Area, California at umuwi lamang siya ng ‘Pinas para i-promote ang kanyang mga awitin.

SHOWBIZ KONEK
ni Maricris Valdez Nicasio

About Maricris Valdez Nicasio

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *

*

Scroll To Top