Thursday , February 27 2020
Breaking News
You are here: Home / Showbiz / Maricel, ‘di pa ‘has been’ (balik-teleserye via What Matters Most )
Maricel, ‘di pa ‘has been’ (balik-teleserye via What Matters Most )

Maricel, ‘di pa ‘has been’ (balik-teleserye via What Matters Most )

PAGKATAPOS lumabas sa The General’s Daughter, na pinagbidahan ni Angel Locsin, balik-teleserye agad si Maricel Soriano. Kasama siya sa What Matters Most, na ipapalit sa iiwanang timeslot ng Kadenang Ginto.

Ito ang first time na lalabas ang Diamond Star sa isang panghapong teleserye. Makakasama niya rito sina Jodi Sta Maria, Sam Milby, at Iza Calzado. Mula ito sa direksiyon ni FM Reyes.

Siguradong matutuwa ang die hard Maricelians, na mapapanood muli nila sa isang serye ang kanilang idolo.

Masaya kami para sa aming paboritong aktres dahil tuloy-tuloy ang dating ng mga project sa kanya, mapa-serye man o pelikula. Ibig sabihin, in pa rin ang Diamond Star sa showbiz. Hindi pa rin siya ‘has been’ gaya nang sinasabi ng detractors niya.

(ROMMEL PLACENTE)

 

 

About Rommel Placente

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *

*

Scroll To Top