Thursday , February 27 2020
Breaking News
You are here: Home / News / DICT, NTC pinatututok sa 3rd telco… Kapasidad ng Dito minaliit

DICT, NTC pinatututok sa 3rd telco… Kapasidad ng Dito minaliit

KINUWESTIYON ng isang militan­teng party-list lawmaker ang kakayahan ng third telco na Dito Telecommunity Corporation na matupad ang nakasaad sa iginawad na permit to operate sa naturang kompanya, kabilang ang pagka­karoon ng 2,500 cell sites pagsapit ng buwan ng Hulyo ng taong kasalu­kuyan.

Ayon kay ACT Teachers party-list Rep. France Castro, kasapi ng Makabayan bloc, mag­hahain siya ng resolusyon para hilingin na ipatawag sa Kamara upang pag­paliwanagin ang mga opisyal ng DICT at Dito Telecommunity.

“Kailangang mag-report ‘yung Dito telco sa Congress kung saan na ba (‘yung cellsite niya)? Pero I don’t think so na magagawa na nila ‘yung 2,500 cellsites. Ito dapat ang maimbestigahan ng Congress. Iyong talagang seryoso ba, may kaka­yahan ba?” sabi ng lady party-list lawmaker.

Ayon kay Castro, base sa mga impor­ma­syong kanyang nakalap, bigo ang naturang third telco na gampanan ang ipinangalandakan nitong isang taon matapos mabigyan ng permiso na makapag-operate ay mayroon nang 2,500 cell sites, maseserbisyohan ang 37 percent ng popu­lasyon ng bansa at makapagbibigay ng hindi bababa sa 27 mbps internet speed.

“So, kung ganito ang sitwasyon ngayon, paano pa natin mapag­kaka­tiwalaan iyan na mag­bibigay ng sinasabing mas mabilis, efficient and reliable na serbisyo sa ating mamamayan?” dagdag ng lady solon.

Ani Castro, nanini­wala siyang nabigyan naman ng sapat na panahon ang Dito Tele­community kaya hindi katanggap-tanggap na tatalikuran niya at hindi tutuparin ang nilalaman ng kontratang ibinigay sa kanila ng gobyerno.

Kaugnay nito, kina­lampag ni House Com­mittee on Information and Communications Technology Chairman at Tarlac 2nd Dist. Rep. Victor Yap ang DICT at ang National Tele­communications Com­mission (NTC) na gawin ang kanilang trabaho, partikular ang tiyaking sinusunod ng third telco ang bawat nilalaman ng kontrata na ibinigay ng gobyerno.

Giit ng Tarlac province lawmaker, sa bawat araw na pagkaantala sa inaa­sahang pagsisimula ng operasyon ng Dito Tele­community, ang tunay na apektado rito ay taong bayan na umaasam ng mababang bayad at mabilis na mobile network connections.

“We want this to happen because apparent­ly, what we expect is a tough competition to lower the rates. Every delay of that, ang natatalo riyan is everyone or the general public. Mayroon namang napag-agree na timeline, iyon ang sinabi na rules ng NTC, at pumayag naman ‘yung bidder. So they, as much as possible they must comply with that, on their own they are responsible,” pagbibigay-diin ni Yap.

Ang Dito Telecom na dating Mindanao Islamic Telephone Company, Inc. (Mislatel) ay isang consortium company na kinabibilangan ng Udenna Corporation (35% shares), Chelsea Logistics and Infrastructure Holdings Corp., (25%) na kapwa pagmamay-ari ng Davao-based business­man na si Dennis Uy at China Telecommuni­cations Corporation (40%).

HATAW News Team

About hataw tabloid

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *

*

Scroll To Top