Tuesday , March 31 2020
Breaking News
You are here: Home / Bulabugin / ‘Lotteng’ ni Lito motor may basbas na nga ba ni mayora?
‘Lotteng’ ni Lito motor may basbas na nga ba ni mayora?

‘Lotteng’ ni Lito motor may basbas na nga ba ni mayora?

HUMAHATAW sa ratsada ang lotteng ng isang Lito Motor, alyas LM sa teritoryo ni Mayora Joy B.

Gamit na prente ni LM ang kanyang pamangkin na isang alyas Karlo at nagpapa­kilalang ‘operator’ ng lotteng.

Aba, kakaiba, ha!?

Ano kaya ang rason kung bakit ganyan katapang si alyas Carlo?!

Kaya pala hindi nakapagtataka na lantaran ang kanyang lotteng sa Brgy. Old Balara, Holy Spirit, Commonwealth, Payatas A & B…

Lahat ‘yan ay sakop ng QCPD Batasan Police Station 6 na ngayon ay pinamumunuan ni P/Col. Romulus Gadaoni.

Kaya naman pala haping-hapi si Kernel.

E how about Mayora?!

Totoo bang may ‘go signal’ na kayo Madam?!

E kaya naman pala humahataw ang lotteng ni LM!

Para sa mga reaksiyon, suhestiyon, reklamo at sumbong, magtext sa 0977.705.22.31 o mag-email sa [email protected] Para sa mga nakaraang isyu ng BULABUGIN please visit https://www.hatawtabloid.com

BULABUGIN
ni Jerry Yap

About Jerry Yap

Columnist at HATAW D'yaryo ng Bayan / CHRONICLE (Customs); National Press Club of the Philippines President (2010-2012), Treasurer (2012), Director (2004-2010) and National Chairman at ALAM (Alab ng Mamamahayag)

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *

*

Scroll To Top