Monday , February 24 2020
Breaking News
You are here: Home / Showbiz / BeauteDerm tuloy-tuloy ang paghataw sa pangunguna ng CEO nitong si Ms. Rhea Tan
BeauteDerm tuloy-tuloy ang paghataw sa pangunguna ng CEO nitong si Ms. Rhea Tan

BeauteDerm tuloy-tuloy ang paghataw sa pangunguna ng CEO nitong si Ms. Rhea Tan

TULOY-TULOY ang paghataw ng BeauteDerm sa pagsisimula ng year 2020 sa pangunguna ng CEO nitong si Ms. Rhea Tan. Matapos malagpasan ang target na Road to 100 stores last year, sunod-sunod na naman ang binubuk­sang store ngayong taon para sa #roadto200Branches.

Last week ay pinangunahan ni Ms. Rhea at ng BeauteDerm ambassadors na sina Ms. Lorna Tolentino, Jane Oineza, Arjo Atayde, Ria Atayde, Hashtag Ryle, Alex Castro, at Luke Mejares ang successful na pagbubukas ng BeauteFresh by Beautederm sa SM CDO Downtown Premier. Ang naturang store ay pag-aari ni Ms. Mae Kimberly.

Mababasa sa post ni Ms. Rhea ang pasa­salamat sa mainit na pagtanggap sa CDO at kay Ms. Mae.

“Maraming salamat SM Cagayan De Oro!!! Napakainit ng inyong pagtanggap!”

“My Beautederm baby for 9 years now! Tagal na natin syobe, tayo-tayo pa lang no’n! Hehehe! Akalain mo! So proud of you my baby. Loveu Mae Kimberly! Congratulations!”

“Mae Kimberly (Siao-Tan Family) maraming Salamat po! Ang babait po n’yo at napaka-humble! ‘Twas nice meeting you all.”

Sa panig naman ni Ms. Mae, pinasalamatan niya si Ms. Rhea at mga ambas­sador ng BeauteDerm.

“Sobrang saya ng opening, ang daming tao talaga. Ang galing ng mga ambassador, very entertaining at ang babait, sobra. Super thankful ako kay Achi Rei for the opportunity.”

Bakit niya naisipang maglagay ng branch sa CDO, ano ang masasabi niya sa BeauteDerm products? “I started doing everything thru online, nakita ko na ‘yung demand, so I want it to be convenient po sa mga taga-Cagayan when they happen to be in the mall,” esplika ni Ms Mae.

Sambit niya, “Very effective ang BeauteDerm, I’ve been using the products for nine years already.”

Pinuri rin niya ang kabaitan ng lady boss ng BeauteDerm. “Kung paano ko siya nakilala noon hanggang ngayon, ‘di po siya nagbago. Super-bait, down to earth, and totally ang taba ng puso, kaya ang daming nagmamahal sa kanya.”

Ang endorsers nito ay pinangungunahan ng Face of Beautederm na si Ms. Sylvia Sanchez. Si Marian Rivera naman ang Face of Beautederm Home. Ang iba pang celebrity ambassadors ng Beautederm ay sina Gabby Concepcion, Carlo Aquino, Enchong Dee, Ejay Falcon, Pauline Mendoza, Camille Prats, Alma Concepcion, Rochelle Barrameda, Jimwell Stevens, Maricel Morales, Sherilyn Reyes-Tan, Anne Feo, Alynna Velasquez, Kitkat, Jana Roxas, Alyana Asistio, Darla Sauler, Migz Magsaysay, Kaye Revil, Jana Ejercito, Donya Tesoro, at Stephanie Teves.

ALAM MO NA!
ni Nonie Nicasio

 

 

About Nonie Nicasio

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *

*

Scroll To Top