Monday , February 24 2020
Breaking News
You are here: Home / Showbiz / Andi at Jake, magkasundo na; tulong sa pagpapalaki sa anak
Andi at Jake, magkasundo na; tulong sa pagpapalaki sa anak

Andi at Jake, magkasundo na; tulong sa pagpapalaki sa anak

Aminado naman siyang wala pang muling nagpapatibok ng kanyang puso dahil gusto niyang makabawi sa kanyang anak. Bagamat si Andi naman ay happy na sa kanyang kinakasamang surfer na si Philmar Alipayo.

“Since I got back from finishing my studies in Singapore a year or two ago, sinusubukan kong makabawi kay Ellie. Kasi nga I think pagbalik ko rito she was 6 already and I was based abroad for a long time. Kaya I made it a point at ipa-prioritize ko na makabawi sa anak ko,” giit pa ni Jake.

At ukol naman sa relasyon nila ni Andi nasabi ni Jake na, ”finally I’m so thankful na we finally figured out on being co-parenting. Lahat naman ng ginagawa namin we keep Ellie in mind.”

Ang Coming Home ay ukol sa complex dynamics ng Filipino family dealing with issues and challenges that threaten to tear it apart, but eventually brought together in the end thanks to the prevailing power of love, forgiveness and redemption.

Bukod kina Jinggoy, Sylvia, at Jake, kasama rin sa pelikula sina Martin del Rosario, Edgar Allan Guzman, Shaira Diaz, Vian Abrenica, janna Agoncillo, at Julian Estrada. Narito rin sina Smokey Manaloto, Samantha Lopez, Almira Muhlach, Luis Hontiveros, Alvin Anson, Chanel Morales, at Orlan Wamar, with special participation of Geneva Cruz.

Mula ito sa direksiyon ni Adolfo Alix, Jr., screenplay ni Gina Marissa Tagasa.

SHOWBIZ KONEK
ni Maricris Valdez Nicasio

About Maricris Valdez Nicasio

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *

*

Scroll To Top