Tuesday , March 31 2020
Breaking News
You are here: Home / News / Tulong para sa Taal victims… Kambal na reso aprub sa kongreso

Tulong para sa Taal victims… Kambal na reso aprub sa kongreso

BATANGAS CITY – Inaprobahan ng Mababang Kapulungan ng Kongreso ang kambal na resolusyon na sumu­suporta sa adhikain ni Pangulong Rodrigo Duterte na agarang tulungan at makapagpatupad ng rehabilitation plan para sa mga biktima ng pag-aalboroto ng bulkang Taal.

Sa kauna-unahang sesyon ng Kamara na ginawa sa labas ng institusyon, pinagtibay ng mga kongresista ang House Resolution (HR) No. 662 na inakda nito lamang 21 Enero ni House Speaker Alan Peter Caye­tano, Majority Leader Ferdinand Martin Romual­­­dez, Minority Leader  Bienvenido Abante, Jr., deputy speakers Raneo “Ranie” Abu (Batangas), Dan Fernandez (Laguna), Paolo Duterte (Davao City), Vilma Santos (Batangas), Cavite Reps. Elpidio Barzaga Jr., Luis Ferrer IV, Abraham Tolentino, Batangas Reps. Mario Vittorio Mariño, Elenita Milagros “Eileen” Ermita-Buhain, Rep. Ma. Theresa Collantes, at Lianda Bolilia na nag­susulong sa P30 bilyong supplemental budget na hiniling ni Duterte para sa mga biktima ng bulkang Taal.

“Whereas, the Calamity Fund for the local government units is presently depleting and is insufficient to provide relief and rehabilitation assistance to the affected areas. Whereas, as a response of the disaster, the House of Represen­tatives is willing to participate in necessary efforts to alleviate the suffering of our country­men and ultimately restore normalcy to the affected regions. Now therefore be it resolved as it is hereby resolved, that the House of Represen­tatives expresses its support and commitment to work with all the concerned agencies to pass the proposed supplemental budget to expedite effective and responsive to those affected by the Taal Volcano Eruption,” saad sa resolusyon.

Pinagtibay din ng kamara  ang HR No. 655 na inakda nina Deputy Speakers Raneo Abu, Vilma Santos Recto at mga kongresista ng Batangas kabilang na si Mario Vittorio Mariño, Elenita Milagros Ermita-Buhain, Ma. Theresa Collantes, at Lianda Bolilia na naglalayong maipalabas sa lalong madaling panahon ang pondo para sa relief efforts, resettlement, livelihood at social development programs para sa benepisyo ng mga biktima ng bulkang Taal.

Sa ilalim ng HR No. 655, inaatasan ang mga komite ng Kamara na agad ipatawag ang NDRRMC upang mag­bigay ng briefing sa lawak ng pinsala ng kalamidad at kung ano pa ang mga kakailanganing tulong ng mga biktima.

Nagsagawa ng sesyon ang kamara sa Batangas Convention Center bilang tugon sa pangangailangan ng mga residente ng Batangas, Cavite, at Laguna na apektado ng kalamidad.

Kaugnay nito, hina­mon ni Cayetano ang kamara na magkaroon ng pangmatagalang solu­syon sa mga kalamidad at trahedya lalo sa aspek­to ng rehabilitasyon at muling pagbangon mula sa pagkakalugmok.

Hindi lamang aniya dapat ituon ang atensiyon sa relief efforts at lalong dapat mas bigyan pansin ang programang rehabi­litasyon ng mga biktima ng kalamidad at trahedya sa bansa.

HATAW News Team

About hataw tabloid

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *

*

Scroll To Top