Monday , February 24 2020
Breaking News
You are here: Home / Showbiz / Pagpapalitan ng mukha nina Maja at Janella, kahanga-hanga
Pagpapalitan ng mukha nina Maja at Janella, kahanga-hanga

Pagpapalitan ng mukha nina Maja at Janella, kahanga-hanga

MISTULANG paligsahan ng mga naging ex beauty queen ang huling eksena ng The Killer Bride na idinirehe ni Dado Lumibao. Kahanga-hanga ang ginawa niyang palitan ng mukha sina Maja Salvador at Janella Salvador bilang si Camila.

Nagpakitang gilas at ayaw namang paawat si Precious Lara Quigaman. Kasuklam-suklam si Lara bilang kontrabida.

Maging sina Ariella Arida, Maricel Morales, at Aurora Sevilla ay hindi nagpatabog sa isa’t isa.

Lumutang ang acting ni Maja. Tama ang sinabi sa amin ni direk noon lalong papalakpakan si Maja sa ipakikitang galing.

Magaling din si Joshua Garcia. Maraming tagahanga ang nagsabing kung kailan sila nabik panoorin ang bawat eksena at saka naman iyon tinuldukan.

No wonder talagang humataw sa ratings ang The Killer Bride.

***

BIRTHDAY greetings to January born celebrities—Drew Arellano, Sandy Andolong, Mildred Ortega, Elsa Payumo, Peachy Sacasaz, Karen Villar, Lyn d Amour, Joe Barrameda, Lourdes Fabian, at Melchor Bautista.

SHOWBIG
ni Vir Gonzales

About Vir Gonzales

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *

*

Scroll To Top