Tuesday , March 31 2020
Breaking News
You are here: Home / Showbiz / Kitkat, may offer para magbida sa isang series sa China (Bukod pa sa musical play sa Guam at HK)
Kitkat, may offer para magbida sa isang series sa China (Bukod pa sa musical play sa Guam at HK)

Kitkat, may offer para magbida sa isang series sa China (Bukod pa sa musical play sa Guam at HK)

TATAHI-TAHIMIK itong si Kitkat pero kabi-kabila ang offers. Hindi lang dito sa ‘Pinas pero sa ibang bansa. Kaya naman namroroblema siya kung paano niya tatanggapin.

Sa pakikipagkuwentuhan namin kay Kitkat, nasabi nitong may offer siyang series sa Shanghai, China at play naman sa Guam.

“By April or May ‘yung series pero pag-uusapan pa namin ng Star Magic at handler ko kasi kailangan six months ako sa Shanghai,” namroroblemang tsika ni Kitkat na titingnan din ang posibilidad kung puwede siyang umuwi ‘pag weekend at two months lang niya gagawin ito.

“Manganda sana talaga itong project na ito kasi ako po ang bida tapos international pa,” tsika pa ng magaling na aktres.

Aminado si Kitkat na hirap siyang mag-decide na bukod sa malayo, “May series din po kasi na kasali ako rito sa atin tapos ang dami kong raket at endorsement. Marami ang puwedeng mangyari sa loob ng anim na buwan kaya kakagulo ng utak kung paano ako magdedesisyon,” pagtatapat ni Kitkat.

“’Yung sa China na bida ako parang mala-‘Miss Granny’ ang story. ‘Yung sa Guam at Hong Kong, musical play,” aniya pa.

Hindi naman first time makatanggap ng offer na ganito si Kitkat. “Dati pa po ako laging may offer na ganyan sa ibang bansa. Hindi ko lang din kaya na mawala ng matagal sa Pilipinas siyempre may asawa na ako at hindi naman basta maiiwan ng ganoon at magdesisyon ng basta-basta na parang single lang ako,” pangangat­wiran pa ni Kitkat.

Sinabi pa ni Kitkat na talagang hindi niya kayang lumayo o iwan ang kanyang pamilya sa ‘Pinas noon pa man. “Dati kapag may nagtatanong kung kaya ko manirahan sa Canada or US. Kasi ‘pag one month na kami roon bored na ako. Eh ang offer pa nga magiging singer ako roon. Sabi ko not for me ang ibang bansa. Kasi nga malapit ako sa pamilya ko kasi maka-pamilya talaga ako.”

Pag-amin pa ni Kitkat, hindi rin siya kaagad makapag-decide kapag dumarating din ang mga biglaang raket. “Hirap talaga ako magdesisyon. Tulad ngayon may offer na out of town raket, hindi agad ako maka-oo. Kasi nga may ikino-consider pa ako,” giit pa ng singer/aktres.

Ang nasabi ko lang sa kanya, ang bongga niya, dahil tatahi-tahimik pero napakarami naman palang offers.

SHOWBIZ KONEK
ni Maricris Valdez Nicasio

 

About Maricris Valdez Nicasio

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *

*

Scroll To Top