Saturday , March 28 2020
Breaking News
You are here: Home / Showbiz / Julia, pinagseselosan si Janella?
Julia, pinagseselosan si Janella?

Julia, pinagseselosan si Janella?

NOONG Linggo (January 19) nag-post si Joshua Garcia sa Twitter at sa Instagram n’ya ng nakakikilig na pictures nila ni Janella Salvador na kuha sa farewell party ng seryeng The Killer Bride, na magkatambal silang dalawa. Tinanggal naman ni Julia Barretto sa Instagram n’ya ang lahat ng litrato nila ni Joshua na magkasama, pati na solo pictures ng aktor na ex-boyfriend n’ya.

Ang caption ni Josh sa isa sa mga picture na ipinost n’ya ay, “I am lucky to have a friend like you.” 

Nakaseselos ba ‘yon? At may karapatan ba si Julia na magselos kahit na ilang buwan na rin namang hiwalay na sila ni Joshua?

Bago ang pagdi-delete na ‘yon, in-unfollow ni Julia sina Joshua at Gerald Anderson na ipinalagay ng marami na siyang dahilan ng pakikipag-break ni Julia kay Joshua.

May pelikula sina Julia at Joshua na inabot ng pagbi-break nila, ang Block Z na nagsimulang ipalabas sa mga sinehan noong January 22. Noong Sabado (January 18) o Linggo napuna ng netizens na wala na sa Instagram ni Julia ang mga litrato nila ng ex-boyfriend n’ya.

Actually, mga isang linggo bago ang farewell party para sa The Killer Bride, nagkita na sina Julia at Joshua sa media conference naman ng Block Z. Nung panahong ‘yon ay alam na n’yang malapit na sa isa’t isa sina Joshua at Janella bagama’t wala namang bali-balitang mag-sweetheart na sila. Ni wala ngang balita sa social media na namataan ang dalawa na magkasama sa ano mang okasyon o sa labas ng taping ng The Killer Bride.

Nagpa-sweet naman si Julia kay Joshua noong media conference para sa Block Z. Ganoon din naman si Joshua. Pareho silang nagsabing they miss each other. Idinagdag pa ni Julia na, “With him (Josh) around, I know I am in a safe space.”

Pareho silang walang binanggit na karelasyon sa kasalukuyan. Kahit ang pakiramdam ng madla ay ipinagpalit ni Julia si Gerald kay Joshua, wala sa kanino man kina Julia at Gerald ang umamin na naging sila noong isinusyuting nila sa Japan ang Between Maybes.

Happily, habang isinusulat namin ito, walang reaksiyon si Joshua sa mga ginawa ng ex-girlfriend n’ya.

Ang Block Z, sa direksiyon ng acclaimed young director na si Mikhail Red, ay nauna pang simulang gawin nina Joshua at Julia kaysa Between Maybe’s nina Julia at Gerald. May ihinabol pang syuting sina Joshua at Julia noong ipalabas na ang Between Maybes. Noong nagdagdag ng syuting ng Block Z ay balitang-balita na nag-break na ‘yung dalawa. Mainit na nali-link na si Julia kay Gerald kahit naipalabas na ang pelikula.

Kahit na walang inaamin na relasyon sina Julia at Gerald, parang nakompirma na mayroon dahil ipinagtapat ni Bea Alonso na hindi na nakikipag­komunikasyon sa kanya ang boyfriend n’yang si Gerald.

Gaya ng alleged relationship n’ya with Gerald, si Julia lang ang nakaaalam ng katotohanan kung nagseselos nga siya kay Janella o gumi-gimmick lang siya para madagdagan ng ingay para sa Block Z.

Habang isinusulat namin ito, walang napapabalitang reaksiyon ni Janella sa ginawa ni Julia.

KITANG-KITA KO
ni Danny Vibas

About Danny Vibas

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *

*

Scroll To Top