Monday , February 17 2020
Breaking News
You are here: Home / Showbiz / Ngayong hiwalay na kay James… Nadine Lustre sabik nang makasama ang pamilya
Ngayong hiwalay na kay James… Nadine Lustre sabik nang makasama ang pamilya

Ngayong hiwalay na kay James… Nadine Lustre sabik nang makasama ang pamilya

NGAYONG sa bibig na mismo nina James Reid at Nadine Lustre nanggaling na break na sila at tinapos na ang mahigit 4 years relationship at ilang taon din nag-live-in, dapat nang bumalik si Nadine sa poder ng kanyang pamilya sa Talipapa, Novaliches, Quezon City na matagal nang sabik sa kanya.

At kung magpapatuloy si Nadine sa kanyang pagiging independent ay humingi pa rin siya ng gabay sa kanyang Mommy Raquel at Daddy Ulyses. Saka makabubuti para kay Nadine ang split-up nila ni James dahil kapag sila pa ay siguradong pag-aawayan lang nila lagi ni James ang bagong ka-partner ngayon ng singer-actor sa teleser­yeng “Soulmate” na si Nancy Momoland.

Siyempre hindi maiiwa­san na magkaroon ng kilig scenes sa seryeng ito na ikaiirita ni Nadine. So better na wala na sila. Saka good decision ito for both of them para pareho silang makapag-concentrate sa kanilang showbiz careers. Si Nadine ay puwede pang makabawi lalo’t mahusay siyang actress at lalo siyang sisikat kapag nagpa-sexy sa pelikula.

VONGGANG CHIKA!
ni Peter Ledesma

 

About Peter Ledesma

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *

*

Scroll To Top